FIFTY ONE

450 26 18
                                    

(Ken's POV)

Nasa biyahe na kami ngayon pauwi,tulog na si baby at kandong kandong ito ni athena.

hawak hawak ko ang kamay ni athena ngayon,nakaposas padin kami hanggang ngayon,napangiti ako ng malaki ng maalala ko ang nangyari kanina,hindi ko padin makalimutan kung paano niya ako kinantahan,napakaganda ng boses niya,at lalo na kung paano niya ako hinalikan,ang sweet niya,nadistract talaga ako kanina,hindi ko namalayang natapos na pala ang ride dahil sa sobrang kilig ko,kahit napakasama ng ugali niya ay hindi niya ako kayang tiisin,at hinalikan niya pa talaga ako,pakiramdam ko kanina habang magkadikit ang labi namin ay nakalutang ako sa ere,grabe talaga siya,paano niya nagagawa sakin 'to?hahaha,mahal na mahal ko talaga siya.

love,i love you.

i love you more.

grabe ang sarap sa pandinig,ang ganda ganda niya talaga,hahaha.

nasa labas lang ang paningin niya,simula ng bumaba kami kanina galing sa space shuttle ay bigla nalang siyang natahimik,parang may nakita siya kanina,hinanap ko naman iyon pero wala akong makita,hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya,basta ang alam ko lang may gumugulo don kaya tahimik siya.

nakatulog siya sa balikat ko,ngalay na ngalay na ako pero tiniis ko dahil ayokong magising siya,halos naging dalawang oras ang biyahe namin dahil natraffic pa kami,nang makarating ay dahan dahan ko siyang ginising.

love,love nandito na tayo,love.

hinalikan ko pa siya sa noo,nagising naman siya agad,kinuha ko ng dahan dahan si baby sakanya para ako na ang magkarga dito paakyat.

bago umuwi sina stell ay pinabuksan ko na sakanya ang posas namin ni athena dahil nahihirapan na siya,nagpaalam nadin agad samin sina stell at trix.

umuwi nadin ang girlfriend ni gelo at ang kaibigan niyang naiirita ako.

mabuti at wala na ang mga reporters at ang mga tao kaya malaya kaming nakapasok sa loob,napahinto pa kami ng tawagin ni lexi si athena.

hello ate far.

hi lexi,here this is for you.

napangiti ako ng iabot ni athena ang dalawang teddy bear dito,at isang bag na color pink,todo naman ang pagkakangiti ni lexi dahil don at yumakap pa kay athena,umawang ang labi ko ng makita kong tumulo ang luha ni athena pero agad niya iyong pinunasan at ngumiti pa ng pilit.

ah mang kino,uuwi pa po ba kayo?

hindi na po mam,hanggang bukas pa po ako ng hapon dito e,nagkasakit po kasi ang kapalitan ko.

ah,gusto mo ba lexi sa penthouse ka muna matulog?hindi ginagamit ni baby ang room niya kaya don ka muna.

tatay,pwede po?

oo naman anak basta wag kang makulit doon,wala tayong pambayad kapag nakasira ka ng gamit,maraming salamat po mam athena ha?

ngumiti lang ng malaki si athena dito,hinawakan niya pa ang kamay ni lexi,bago pumasok ay may sinabi pa ito kay mang kino na ikinahanga ko lalo sakanya.

bukas po umakyat kayo ha?sabay sabay po tayong kakain.

maraming salamat po mam,napakabuti niyo po.

tama nga si mang kino,napakabait ni athena,lalo ko tuloy siyang minamahal,kahit na ang sungit niya sakin at palagi niya akong inaaway.

pagdating sa taas ay hinatid niya agad si lexi sa kwarto ni baby,siya naman ay dumiretso sa kusina at nakita ko pang uminom siya ng gamot.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now