TEN

579 26 5
                                    

(Pablo's POV)

Maaga akong nagising ngayon,kaya mabilis akong naligo at nag ayos ng sarili pagkatapos ay dumiretso na ako sa building namin.

pagdating ko sa taas ay si josh at jah palang ang nandoon kaya naupo na muna ako sa sulok dahil wala pa ako sa mood.

grabe,hahaha buti nga din yan sakanya binastos niya si ms.athena e!

kung ako nga yan baka di lang yan ang abutin sakin e,hahaha mabait pa nga si sir ken e!

napalingon ako sa dalawang lalaking nag uusap habang inaayos ang paligid para sa green screen mamaya.

ano hong pinag uusapan niyo?

tanong ko sa mga ito,narinig ko kasi ang pangalan ni far,kaya nataranta ako.

iniabot naman nito sakin ang phone nila at may video doon,napaawang ang labi ko dahil sa nakikita ko ngayon,nakita kong sinuntok ni ken ang isa sa tatlong lalaki,pagkatapos ay hinawakan naman ni far si ken sa braso at pilit na hinila papalabas,duguan ang bibig ng lalaki,nakita ko na galit din ang ilan sa mga nandoon sa loob ng boutique kaya napilitan ng magsialis ang mga ito.

agad naman akong lumabas,at dinial ang number ni far.

hindi niya ito sinasagot,napalingon ako ng biglang bumukas ang elevator,nandoon si ken at karga karga nito si baby,habang nakikipag kulitan kay stell,at si far naman ay parang walang pakialam sa paligid,napatingin siya sa akin pero agad din siyang umiwas.

pagbaba nila ay binati agad ako ni stell,pero si ken ay hindi at kinakausap lang si baby,kumunot ang noo ko ng makita ko ang bandage nito sa kanang kamay,alam kong dahil iyon sa pagsuntok niya sa lalaki.

lalagpas na sana si far sakin ng bigla kong hawakan ang kamay niya,nakita ko pa ang paglunok niya ng magtama ang paningin namin,hindi ko siya binitawan,at iginiya ko siya papalayo kila ken,nakita ko pang tumingin sakin si ken pero iniwas ko na ang tingin ko dito.

nang nasa tabi kami ng hagdanan ay tahimik lang si far,nakaiwas din sakin ang mga tingin niya,tinitigan ko lang siya habang nakakunot ang noo ko,wala akong nababasa na kahit na anong emosyon sa mukha niya.

sinaktan ka ba nung lalaki far?

tumingin siya sakin pero wala manlang kahit na isang ekspresyon ang nagbago sa itsura niya.

hindi,nandoon si sinto e!

lalong kumunot ang noo ko dahil sa malakas at walang kagana gana niyang sagot sakin.

far?hinintay kita kahapon,basta mo nalang kasi binaba ang tawag ko,gusto lang naman kitang--------

hoy,matutina!hinahanap ka na ni baby!nandyan nadin si trix at si markus!

kumuyom ang kamao ko dahil pinutol ni ken ang mga sasabihin ko kay far,kaya mabilis itong tumalikod sakin,hinawakan ko ulit siya sa kamay at tsaka bumulong sakanya.

please layuan mo si ken,far!please!

nauna na akong maglakad sakanya,hindi ko na siya nagawa pang lingunin,sa iisang dressing room nalang kami nagstay lahat,inaayusan na kami lahat,napalingon ako kay ken ng makita kong tumayo siya at lumapit sa pwesto nila far.

hindi ko alam pero hindi ako mapakali kapag nakikita kong nilalapitan ni ken si far,alam ko namang bw*s*t sila sa isa't isa pero iba padin ang pakiramdam ko.

wala pang isang oras ay natapos na ang photo shoot namin,next week ulit ay may mga gagawin pa kami,hindi kasi kayang tapusin ito ng isang araw,at hindi din naman pwedeng araw araw ay gawin namin ito dahil marami ding projects si far.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now