SEVENTY EIGHT

296 29 59
                                    

5 DAYS LATER

(Trixie's POV)

Maaga kaming nagpunta ni maris sa bahay ni far,pagdating namin don ay tulog na tulog pa siya,napakadami nyang ginawa buong araw kahapon,gabing gabi nadin kami nakauwi dahil hindi namin siya maiwan ni maris,lahat kasi ng naiwan nyang trabaho nung umalis sila ay ginawa nya ng sabay sabay kahapon kaya alam kong pagod na pagod siya.

pag naiisip ko na ayos na ayos na silang dalawa hindi ko mapigilang maging masaya para sa kanila,alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa,noon pa man ay alam ko na iyon,kahit na para silang aso at pusa alam ko na ayaw nilang magkahiwalay sila,kaya masaya talaga ako ng sobra.

nandito ako ngayon sa kwarto niya,naiwan sa baba si maris dahil pinagdiskitahan siyang gawing kalaro ng tatlong bata,nakahiga ako sa couch habang hinihintay na magising si far,napatingin ako sa nakapatong sa side table niya,hinawakan ko iyon tsaka tinitigan.

nasa kanya padin pala 'to?

hawak hawak ko lang ang kwintas na hindi ko alam na naitago niya pa pala,silver iyon at ang pendant niya ay kalahati ng heart,ang sabi niya noon sakin ay binigay iyon sakanya ng------

napatalon ako ng biglang mag ring ang phone ko kaya dali dali kong binitawan ang kwintas at nagmadaling lumabas ng kwarto niya dahil baka magising siya sa tunog non at sapakin niya pa ako.

Hello?

boo punta kayo dito ni maris sa condo,may pag uusapan tayo nila ken,kasama ko silang apat,wag na wag nyong isasama si far ha?

hindi na ako nakasagot pa dahil agad niya iyong binaba.

tsk!ano naman kaya ang pakulo ng mga yon?

agad akong bumaba,pinuntahan ko si maris sa garden at nagpaalam na kami sa lahat.

saan tayo beks?

sa condo daw ni stell.

agad naman itong nagmaneho papunta doon,pagdating namin ay nasa lobby na si stell at sinundo na kami.

agad itong humalik sa pisnge ko at hinawakan pa ang kamay ko,tsaka nagpunta na kami sa elevator,hindi na kami nagtanong pa ni maris,basta naghintay nalang kami na makaakyat na kami.

pagpasok namin ay biglang tumahimik ang apat na may pinag uusapan kaya nagtaka ako.

uy nandito na pala kayo.

anong meron?

oo nga,anong ganap mga papa?

nagtitinginan sila kaya lalo akong nagtaka,pero agad na nagsalita si ken kaya nanlaki ang mata ko.

magpopropose na ako kay athena,at kailangan ko ng tulong niyo trix,maris.

agad tumulo ang luha ko dahil sa narinig ko,nang lingunin ko si maris ay umiiyak nadin ito kaya ng tumingin din siya sakin ay naghawak kamay pa kami at nagyakapan.

boo,ayos ka lang ba?hindi sayo magpopropose,kay far.

agad ko namang sinamaan ng tingin si stell pero inamo niya ako agad kaya nawala ang inis ko.

masaya ako ano ba!deserved ni far maging masaya,i'm sorry naiiyak talaga ako sa saya.

napatingin pa ako kay pau,nakangiti siya ng malaki kaya parang ang sarap sa pakiramdam dahil napaka genuine ng pagakakangiti niya habang nakatingin sakin,alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko,maraming pinagdaanan si far simula pagkabata na panget na karanasan kaya ngayon masaya ako dahil magiging masaya na siya.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now