ELEVEN

561 24 3
                                    

(Author's POV)

FLASHBACK

6pm nagsisimula ang trabaho ni athena sa isang bar,namamasukan siya dito bilang isang waitress.

beb,paangkas ako sa motor niyo ni papa mamaya ha?

sabi niya habang todo pa ang pagngiti dito,nasanay na si athena na tawagin ng papa at mama ang magulang ng kaibigan niyang si trixie dahil hindi nito nakagisnan ang mga magulang.

nag aaral pa si trixie pero si athena ay hindi makapasok sa kolehiyo dahil sa kakulangan ng pera,lalo na ngayon na may dumating pang baby na aalagaan niya.

18 years old palang siya,kahit na dapat ay nag aaral siya ay hindi niya ito matuloy kaya sa pinabayaan siya ng mayor na may ari ng bar na magtrabaho sakanya.

kakadating palang niya sa bar na pinagtatrabahuhan ay hindi na siya magkandaugaga dahil sa dami ng order sakanya.

miss pwede ka bang itable mamaya ha?

tanong pa sakanya ng isang lalaki na halos doble ng edad niya,mabilis naman niya ito tinalikuran pero hinawakan siya nito sa pang upo kaya mabilis niyang inihampas ang tray na hawak hawak niya.

g*gong manyakis!

malakas na sigaw niya pa dito.

aba,pakipot pala tong alaga ni mayor!bakit ang damot mo ha?!

sigaw nito sakanya habang sabunot sabunot ang buhok niya at sinampal pa siya ng malakas dahilan para magtalsikan ang dugo mula sa bibig niya,sumigaw naman ang mayor.

palabasin yang bastos na yan!wag na wag niyo na yang papapasukin dito!kung hindi kayo ang tatanggalin ko!

mabilis namang kinaladkad ng mga bouncer ang bastos na lalaki.

lumapit ang mayor kay athena at inayos pa ang buhok nito at pinakatitigan ang buong mukha.

linisin mo ang sugat mo,bukas ka nalang magtrabaho ulit hija.

pero kailangan ko po ng pera mayor.

bayad na ang araw mo ngayon,dahil sa perwisyong dulot ng lalaking yon!

maraming salamat po mayor.

hindi ko kailangan ng pasasalamat hija,sige na umuwi ka na,mag iingat ka.

napangiti naman si athena dahil sa sinabi ni mayor at mabilis siyang nagpunta sa likod para kunin ang gamit niya.

nagbihis na muna ito at tsaka mabilis na lumabas na sa bar.

11pm na,naglalakad siya mag isa sa daan,napahinto siya sa isang fastfood chain,biglang kumalam ang sikmura niya pero naglakad nalang siya at tiniis ito.

maglalakad na siya dapat ng bigla siyang may makitang babae at lalaki na nakikipag agawan ng bag sa isang lalaki,agad siyang tumakbo at nilapitan ang mga ito.

hoy!

sigaw niya dito kaya sabay sabay napalingon sakanya ang mga ito,sobrang lakas ng kaba niya pero pilit niya itong nilabanan at mabilis na sumugod sa lalaki at tinuhod ang maselang parte ng katawan nito na nasa gitnang bahagi.

mabilis na napaluhod ang lalaki,pero agad naglabas ito ng balisong at huli na para makailag siya dahil nasaksak na siya nito sa balikat.

napaigik siya sa sakit na dulot nito at napaluhod sa sahig,bago niya maipikit ang mga mata niya ay nakita niya pang kinuha na ng pulis ang masamang lalaki.

nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nasa isang maliwanag na lugar na siya,purong puti ang kulay ng paligid,bumangon siya ngunit mabilis na napadaing siya sa sakit ng balikat niya,ngayon niya lang naalala ang mga nangyari.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now