FORTY EIGHT

412 24 9
                                    

(Jen's POV)

6am palang ay nagriring na ang phone ko kaya agad ko iyong kinuha,maaga akong nagigising dahil kailangan nauuna na ako sa office dahil ako ang nag aasikaso para sa mga endorsement ni athena.

Hello rose?

hello by,nagustuhan mo ba yung mag kumalat na pictures niyo ni ken?sikat ka na!hahaha

hahaha baliw ka na talaga,alam mo bang ang sama ng tingin sakin ng athena na yon kahapon,at mukha namang success ang plano mo dahil magkaaway sila kahapon.

dumaan ka mamaya dito ha?magshopping tayong tatlo nila lia,bye loveyah!

binaba niya na ang tawag,siya ang nagplano tungkol sa mga kumalat na pictures,gusto nya din sirain ang relasyon ni athena at ken kagaya ng ginawa niya noon kay pau at athena,alam kong hindi niya naman intesyon kay athena noon yon dahil hindi naman niya ito kilala pero ngayon,tsk!baliw na siya!

pero dahil gusto ko din si ken ay pumayag ako na sirain silang dalawa ni athena,matagal na kaming magkakaibigan tatlo nila lia,nagpunta talaga ako sa manila dahil itunutusan ako ni rose na landiin si ken pero si ken din ang umayaw nung nililigawan niya ako dahil hindi pa daw siya nakakamove on kay rose,at dahil din sa pagpunta ko dito ay nawala ang career ko sa davao,isa din akong model doon kagaya nila.

lahat ay nakaplano,pati ang pag aaply ko bilang assistant manager ay kasali sa plano,nandito na ako kaya makikigulo na ako,sinabihan ako ni rose tungkol kay athena,matapang pala ang babaeng yon,tingnan natin kung uubra siya sakin.

nagdress ako at high heels,madalas napagkakamalan akong model dahil sa pananamit ko kaya nakakatuwa.

pagpasok ko ay nandoon na si trix at maris,pati ang dalawang 'to pakielamera pa,masyado silang madada,mga loyal masyado kay athena,tsk!

good morning.

bati ko sa kanila,pekeng ngiti pa ang pinakita ko sa kanila,lumapit si maris sakin at inikutan pa ako.

ikaw yung kasama ni ken sa mga picture te hindi ba?

yes.

nakangiti pang sagot ko sakanya,nakita ko ang pagsama ng tingin sakin ni trix pero hindi ko pinakitang naiirita din ako sakanya.

alam mo layuan mo si ken jen,mabuti ngayon at hindi ka nakilala sa mga kumalat na pictures,alam mo naman sigurong magboyfriend si ken at far hindi ba?

ah oo,hindi ko naman ginusto na kumalat yung mga pictures namin ni ken noon,hindi ko nga alam na may ganun pala e.

nakakapagod magkunwaring mabait sa harap ng mga 'to!tsk!

nag aaway ang mga iyon dahil sayo,mabuti nalang bati na sila ngayon.

nilingon ko pa si maris dahil sa sinabi niya,bati na sila?ang tibay naman nila,sabagay luma na ang mga pictures,ibig sabihin dati pa nangyari kaya wala ng epekto sa ngayon,napangiti naman ako ng simple dahil sa naisip ko.

maya maya ay dumating si athena,nakashades ito kaya hindi ko alam kung nasaan ang paningin niya.

may schedule ba ng pictorial ngayon?

wala naman ms.far,may sasabihin lang daw si mamita sayo,kaya nagpatawag siya ng meeting.

hindi ako umiimik,maya maya ay biglang tumunog ang phone ko kaya nagexcuse pa ako sa kanila at tsaka sinagot iyon sa labas.

Hello by?

hello rose bakit?

magkakaroon nanaman pala kami ng project kasama ang babaeng yan,makakalapit ka ulit kay ken,hahaha.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now