FIFTY

444 25 12
                                    

(Athena's POV)

Habang hinihintay ko si ken ay nagluto na muna ako ng fried chicken,sinigang at adobo.

kakarating lang ni yaya joy galing sa paggogrocery kaya may kasama na si baby,habang nasa playroom ito.

11am na,tapos na akong magluto,nagtaka ako dahil hindi pa dumadating si ken,panay ang bantay ko sa pintuan,nasabi ko nadin naman sakanya ang passcode kaya alam ko basta nalang siya papasok kapag dumating na siya.

tsk!ang sabi niya 30 minutes lang ay nandito na siya,nasaan na siya?

hinihintay ko ang text o tawag niya pero wala,hindi naman kasi ako palatext at palatawag,tatawag lang ako kung sasabihin niya pero hindi ako kagaya ng iba na mangungulit sa phone.

12nn na,nagsimula na akong mainis dahil hindi padin siya dumadating,narinig ko na ang boses ni baby kaya lumingon ako sakanya,agad siyang kumandong sakin at tinitigan pa ako.

mama,babalik po ba agad si kuya ken?

ngumiti lang ako ng pilit sakanya at tsaka tumango,tsk!humanda sakin ang lalaking yon!wala siyang isang salita!

pinakain ko na si baby dahil lalamig ang sabaw ng sinigang,hindi nadin malutong ang balat ng manok na pinirito ko,malamig nadin ang adobo,naiinis ako ng sobra,ang sabi niya mabilis lang siya pero mag aapat na oras na siyang wala!

minsan na nga lang ako humiling at maglambing sakanya wala pa siyang kwenta!

maya maya ay biglang nagring ang phone ko,nataranta akong kunin yon dahil akala ko ay si ken na.

Hello gelo?

hello ate,nandito na kami sa EK,wait nalang namin kayo,mag iikot muna kami.

okay sige,ingat kayo.

3pm na ay wala padin si ken,naiiyak na ako kaya pumasok ako sa kwarto ko para doon magstay,sa playroom nakatulog si baby kaya hinayaan ko nalang ito dahil nandoon naman si yaya joy.

nahiga ako sa kama ko at tsaka nagtalukbong ng kumot hanggang sa mukha,hindi ko napigilan bigla nalang tumulo ang luha ko,sobrang naiinis ako at gutom na gutom na ako,nawalan na ako ng gana kumain,tsk!napakawala niyang kwenta!

panay ang tingin ko sa oras,mga 4pm ay tumunog ang pinto ng kwarto ko kaya tinanggal ko ang ang talukbong ng kumot ko para tingnan iyon,nang makita kong si ken iyon ay nagtago ako ulit sa kumot,nakakuyom lang ang kamao ko dahil sa pagkairita ko sa mukha niya!

love,i'm sorry,i'm sorry.

hindi ako umimik,naramdaman kong naupo siya sa tabi ko dahil sa paglubog ng kama,hinaplos niya pa ako sa likod pero tinabig ko lang siya at tsaka tumalikod kung saan siya nakapwesto.

love magpapaliwanag ako,please pakinggan mo ako.

tinanggal ko ang pagkakataklob sakin ng kumot ko at tsaka naupo,napaatras pa siya ng duruin ko siya.

wag mong sirain pa lalo ang araw ko ken!

love sorry na please,kanina lang ang sweet sweet mo sakin e,ngayon galit ka nanaman.

g*go ka pala!pinaghintay mo ako ng ilang ilang oras tapos ayan ang sasabihin mo sakin?!hindi ka manlang tumawag o nagtext!bw*s*t ka talagang ken ka!

hinawakan niya pa ang kamay ko pero kinuha ko iyon at tsaka inirapan siya.

love sorry na,magpapaliwanag ako love.

tsk!wag ka ng umimik ken!baka masampal lang kita dyan!

iniwan ko siya,lumabas na ako sa kwarto ko at tsaka nagpunta sa kusina,uminom ako ng tubig dahil gutom na gutom na ako,nawalan na ako ng gana kumain dahil sakanya,naiiyak ako sa inis,bigla siyang tumabi sakin,niyakap niya ako mula sa likuran pero tinabig ko lang ulit siya.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now