#8

283 35 5
                                    

Sela's Pov

Nakausap ko na si mom at masaya nga ako na okay lang ang kalagayan nila , mabilis lang ang naging usapan namin kahapon dahil bigla nalang dumating si daddy kaya ayun napilitan nalang silang patayin yung tawag.

"Ano na sela? Birthday na ni tita ngayon , sure ka na bang hindi siya pupuntahan ngayon? Im free naman for teleportation if kailangan mo" napatingin naman ako sa kanya , napa act nalang siya ng zinizipper yung bibig niya dahil doon.

Napaisip naman ako sa sinabi ni gia mapilit talaga siyang tao eh what if mag teleport nalang siya doon sa bahay namin saglit lang naman eh at wala naman sigurong makakaalam kahit yung Power Detector ng sanggunian namin na si gia yung gumamit ng teleportation.

"Are you sure ba gia? What if may makaalam na ikaw yung gumamit? Mapapahamak ka pag nagkataon" nag aalalang tugon ko kay gia , gustuhin ko man pero nag aalinlangan ako baka kasi mapahamak pa siya dahil sa akin.

"Wag ka kasing negative agad sela , ako na nagsasabi sayo hindi malalaman nung power detector na ako yung gumamit ng powers na teleportation , ano na tara na ba? Ganyan na ba yung damit mo?" Tanong niya pa sa akin, talagang sure na sure na talaga siyang tulungan ako.

"Wait saglit lang kontakin ko nalang sila mommy at ate aya if nasa bahay sila at wala si daddy doon" dali dali kong tinawagan si ate aya upang tanungin siya kung nasa bahay ba siya ngayon at pati si mommy.

OTPC

"Hello ate aya? Nasaan ka ngayon? Kasama mo ba si mommy?" Paunang sabi ko sa kanya habang si gia naman ay mukhang mas excited pa sa akin dahil kita iyun sa kanyang nga mata ngayon.

"Oo nasa bahay kami ngayon ni mommy at pupunta kami ng mall ngayon upang gumala , sayang wala ka ngayong birthday ni mommy" malungkot na sabi niya sa akin kaya dahil doon ay naisip ko na puntahan na talaga sila ngayon kahit maikling oras lang na magkita kami ay sapat na.

"Wait stay tune muna kayo dyan , pupunta kami ni gia ngayon na upang makita ko kayo kahit saglit lang" mabilis na sabi ko napatahimik naman siya ng ilang segundo dahil doon mukhang nag iisip pa siya ng kanyang sasabihin.

"Paano marsela? Wait wag mong sabihin na gagamitin ni gia yung kapangyarihan niya?" Ang bilis maka catch up ni ate aya kaya bilib ako sa kanya eh.

"Ganun na nga ate aya! Mabilis lang naman kami dyan kaya di naman siguro malalaman na si gia yung gumamit ng kapangyarihan" diretsong sabi ko sa kanya halata ang pag aalala sa kanyang boses ngayon.

"Sela delikado yang gagawin niyo , paano pag nahuli si gia? Maaari siyang mawalan ng powers as a consequence!" Mariing sabi niya pa sa akin , napatingin naman ako kay gia ngunit ngumiti ito sa akin.

"Okay lang po ako ate aya don't worry! Choice ko naman to eh at hindi ako magsisisi if mawalan man ako ng kapangyarihan" sabi pa ni gia kay ate aya , napaisip naman ako at tumingin muli sa kanya upang tanungin siya.

"Sure ka gia? Wag na lang baka--" tinakpan na niya yung bibig ko dahil naaamoy niya na na magbabago na naman yung isip ko.

"Ready kana ba? Tara na bye ate aya! Papunta na kami dyan ngayon! Sa may kwarto mo nalang tayo pupunta sela ah" mabilis na sabi ni gia sabay pinatay na yung phone para makapag focus na.

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now