#14

206 26 0
                                    

Sela's Pov

Nasa classroom lang kami ngayon at nag aantay sa pagdating ng teacher namin kasalukuyang nakatingin lang ako sa kanila Rans at Abby.

Pilit na niyayakap ni abby si rans ngunit tinatanggal ni rans yun dahil alam niyang nandito ako , dapat ako yung niyayakap mo ngayon abby eh dapat ako yan eh!

Dapat ako yung kayakap mo ngayon dapat ako yung dahilan ng pag ngiti mo dapat ako lang yung hinahalikan mo abby.

Flashback

"Marsela naman eh! Seryoso nga kasi ako sa sinabi ko sayo nakaraan , mahal kita okay ni walang halong biro" tawag niya sa akin perp diretso lang ako sa paglakad , nahihiya ako na tignan siya at mas kinakabahan ako sa tuwing malapit siya sa akin.

"Abby tigilan mo ako sa trip mo okay? Hindi na ako natutuwa sa sinasabi mo , ikain mo na yan sa bahay niyo dahil baka gutom lang yan" iritang sabi ko sa kanya baka kasi nadala lang siya ng emosyon nakaraan kaya nasasabi niya yun , masaya lang siya sela na kasama ka pero hindi ka naman nakakasigurado kung may gusto siya sayo.

Maybe infatuation lang pero hindi naman ako papayag na ganun , baka kasi ngayon gusto niya ako bukas tapos bukas makalawa hindi na diba? Edi nasaktan ako at mawawalan pa ng matalik na kaibigan.

"Alam ko naman masyado kang masaya sa akin pero hindi naman ako nagbibiro sela , matagal na kitang gusto nang higit pa sa pakikipagkaibigan" confident niya sabi , tama ka abby masyado akong masaya sayo na sa part na parang nababaliw na ako sa tuwa pagkasama kita.

"A-abby---" di na naman matapos tapos yung sasabihin ko dahil panay siya salita habang magsasalita na ako.

"Dahil ba kay Jl? Siya ba yung gusto mo? Tsk mas mukhang lalaki pa nga ako doon at tsaka babaero yun sela baka lokohin ka lang nun , alam ko naman na nanliligaw yun sayo pero------" ang ano naman nito ni abby parang nag ra rap battle ngayon , agad ko na siyang isiniil ng halik para naman manahimik na siya , hindi ko na kasi kayang pigilan pa yung sarili ko ngayon na inaakit na talaga ako ng mapupulang labi niya.

"Anong ibig sabihin nito?" Ani niya nang kumalas ako sa pagakakahalik hindi naman kasi siya tumugon eh argh kainis

"Ang ingay mo kasi tsk tumahimik kana mahal din kita abby!"namula naman siya dahil sa sinabi ko at tinignan lang ako ng diretso na tila bay naguguluhan na ewan at hindi makapaniwala.

"Talaga sela? Sobrang saya ko wohoo ako na ata yung pinaka ma swerteng immortal na nabubuhay ngayon! Wooohooo Mahal din ako ng taong mahal kooo! (same vibes tayo abby haha At sabay sabay nag sanaol ang mga readers haha charot)sigaw ni abby saka binuhat ako at inikot ikot tapos ibinababa niya din ako kaagad at hinawakan ang pisnge ko.

"Abby ang ingay mo , fyi pinapayagan palang kitang manligaw ah hindi ibig sabihin na hinalikan kita ngayon ay tayo na agad , paghirapan mong kuhanin yung matamis na oo ko"  medyo masungit kong sabi sa kanya perp deep inside talaga sobra na akong kinikilig ngayon.

"Oo naman marsela! Promise ko sayo na tama yung naging desisyon mo , tsk Jl maghanda ka nang mabasted dahil akin lang si sela hahah" natawa naman ako dahil sa sinabi niya ang sama niya talaga pag si Jl ang nasasama sa topic na siya naman ang nag oopen , ilang taon na rin nanliligaw si Jl sa akin ayaw ko naman talaga siya payagan kaso nga pinilit ako ni daddy na bigyan nalang daw ng chance dahil malay natin mag work naman daw at magustuhan ko si Jl pero ang hindi niya alam si abby talaga ang gusto ko.

"Wow huh confident ang ate niyo abby" pangangantyaw ko pa sa kanya napangiti naman siya at lumabas yung cute niyang dimple tanging ako lang ang nakakapagpalabas niyan uy!

"Anong ate ka dyan! Mahal na dapat tawag mo sa akin eh hahaha i can't wait na marinig yan sayo sela" hinampas hampas ko naman siya sa may braso sa sobrang korni at amg cringe naman nang ganun kung ayun yung gusto niyang tawagan namin sa isa't isa.

"Eiii ang cringe abby huh! Dyan kana nga at may gagawin pa ako sa---" nagulat ako nang bigla niya akong niyakap habang ako ay nakatalikod na sa kanya ngayon at mariining binulungan ako sa may tenga at parang nakikiliti naman ako sa ginagawa niya ngayon.

"Masaya akong malaman sela na mahal mo din ako , pag sinagot mo na ako papatunayan ko araw araw kung gaano kita kamahal , na ikaw lang ang tanging mamahalin ko habang ako ay nabubuhay" sana nga abby dahil yung puso ko ay ikaw lang din ang laman nito , patuloy din kitang mamahalin ay ipaglalaban din kita pag dumating na yung oras na ipakilala kita sa pamilya ko not as bestfriend but as lovers.

End of the Flashback

Napatingin naman si rans sa akin at bakas sa kanya ang pag aalala sa akin pero agad na akong umiwas ng tingin , i hate her! Bakit kasi hindi niya nalang ako tulungan eh na maibalik yung alaala ni abby.

Wanna know why kung paano ko nalaman na siya si abby at nawalan lang ng alaala? Well sa lakas ba naman ng tama sa akin ni Jl kaya ayun unting seduced lang bumigay na agad at sinabi na sa akin yung totoo.

Isang smack lang sa lips ang nagpabigay sa kanya at dahil doon nakakuha ako ng impormasyon , Rupok Jl ah sorry ka nalang ay si abby ang mahal ko.

Napapunas nalang ako ng luha ko , napatingin naman sa akin si gia at hinawakan ako sa may balikat.

"Marsela? Tama na kakatingin sa kanilang dalawa okay? Tinotorture mo lang yung sarili mo sa desisyon mong ito , tama ba na ginagawa mo ito, na lumipat pa tayo dito , dapat kasi pinagkatiwalaan mo nalang si rans eh kung ano man yung balak niyang gawin" sabay yakap niya sa akin , ako naman panay lang ang tulo ng luha ko this memories is torturing me right now.

I can't! It hurts me when i see abby with someone at ngayon pa na alam kong parang baliw na baliw siya kay rans , did they gave her a love potion? Para lang mainlab siya ng ganyan kay rans? Argh!

Damn it wala man lang akong magawa ngayon sapagkat nasa kasunduan namin ni dad na hindi na daw ako dapat pang lumapit kay abby at kay rans ni sundan man lang sila sa pinupuntahan nila.

Ewan kung bakit sila nagkakaganun bakit nila pilit na ipinaglalayo kaming dalawa ni abby , nakakahalata na ako ah is this because of the prophecy parin?

Na sinasabing si abby ang papatay sa akin? Tsk naniniwala pa sila doon for sure nagbago na ang magaganap na yun sa hinaharap dahil nga wala naman na kami sa Garnett.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now