#11

233 31 1
                                    

Rans Pov

Ilang araw kong kinokontak sila gia at sela upang magpaliwanag man lang ngunit ni isa sa kanila ay walang nais sumagot, nagiguilty tuloy ako sa nangyari.

Hindi ko na inintindi yung pagkakasampal sa akin ni dad at pagpapamukha niya sa akin na wala akong kwenta , isang task lang ay hindi ko magawa gawang isakatuparan.

Pero hiniling ko parin sa daddy ni sela na tapusin ko yung sinimulan ko , ang kailangan ko lang naman gawin is mapabalik yung alaala ni abby , im 100 percent sure na siya nga si abby kasi nagpunta ako sa kakilala kong mortal at ipinasuri ko sa kanya si abby.

May kakayahan kasi yun na malaman yung past nung taong mahahawakan niya immortal man o mortal kaso nga lang hindi ko pa nasasabi kila tito yung nalaman kong iyun.

Kailangan ko munang alamin kung ano ang gagawin nila pag nalaman nilang si abelaine nga itong kasama ko ngayon,kung may binabalak man silang paslangin siya at tiyak na hindi ako papayag sa ganun.

"Babe? Tulala ka na naman dyan? Tungkol na naman ba to sa nangyari sa mall? At tsaka bakit naman mukhang galit na galit sayo yung nakasalubong natin at tila bay feeling close sa akin eh hindi ko naman siya kilala" sabay hawak sa akin ni abby sa may pisnge , napatingin nalang ako sa mukha niya.

Napakaganda niya talaga mula noon hanggang ngayon , napababa naman yung tingin ko sa may labi niya , nagulat naman ako nang bigla niya itong idampi sa labi ko.

"Ay school po ito hindi parke! Bawal pda sa loob ng classroom kung gusto niyo sa motel kayo pumuntang dalawa! Maawa naman kayo sa mga single dito!" Pagpaparinig pa ni sheki bahagyang natawa naman ako dahil doon pati si abby.

"Fyi sheki ikaw lang ata yung single dito tignan mo kaya yung paligid mo! Napapalibutan ka ng mga magjowa dito!" Sabay turo niya sa magjojowang mga classmates namin na magkakatabi , yung iba naman natutulog at yung iba nagsusubuan ng pagkain.

"Ang feeling mo naman belle! Si Jl tsaka ikaw single oh! Ang kapal mo ah" rebat naman ni sheki kay belle bahagyang napatingin naman si belle ng nakakaloko kay Jl.

"Malapit na rin maging kami diba Jl? Oh diba bonitah manigas ka tatanda kang dalaga hahahah" sabi ni belle kinindatan kasi siya ni Jl abay isa din itong isa napaka pa fall , eh kay marsela lang naman ata natibok yang puso niya.

"Nagugutom kana ba babe? Gusto mo bilhan kita ng makakain mo? Ano bang favorite food mo? Ay wala pala kahit ano palang pagkain kinakain mo" napairap nalang ako kay abby , grabe parang nagtutumog matakaw ako sa kanya ah which is totoo naman hahaha.

"Wala hindi ako gutom , ikaw kumain kana isama mo na yung dalawa mong kaibigan at for sure nagugutom na ang mga yan kasi sobrang daldal na lalo na ni sheki" natatawang sabi ko napalingon naman si sheki sa kinauupuan ko ng mabanggit ko ang pangalan niya.

"Parang naririnig ko pangalan ko dyan ah! Binabackstab niyo ata akong magjowa ah , kayo huh ampangit ng ugali niyo!" Sabi niya pa sa amin binato naman siya ng tissue ni abby at nasapol siya sa may mukha.

"Aray abby! Ganyan kana ah porket naging kayo na ng crush mo ah!"

"Ingay mo bonita , tara na sa canteen at bibili ako pagkain libre ko na! Bilis ayaw niyo ba edi wag!" Mabilis namang tumayo yung dalawa at hinabol si abby palabas ng room , ang kukulit nilang tignang tatlo.

"Rans? Ano nakausap mo na ba sila sela? Alam mo ba na nung pumunta siya ng willstone ay sobrang nakakatakot siyang tignan halata sa mga mukha niya yung galit ,halos lahat nga ng tauhan ng daddy niya ay malubha ang lagay ngayon sa hospital" pagkukuwento ni Jl , napatingin naman ako sa kamay niya mukhang nabalian din siya dahil kay sela.

"Hindi ko na sila nakakausap Jl , mukhang galit nga sila sa akin dahil hindi ko sinabi ang totoo sa kanila , hays sana hindi nalang kami nagtungo sa sm calamba edi sana hindi niya kami makikita doon , pero hindi ko rin kasi inaasahan na uuwi sila ng biglaan at nag teleport pa sila ni gia dito sa manila" malungkot na sabi ko , sana hindi nalang ako pumayag sa kagustuhan ni abby na magdate kami doon.

"At dahil nga doon ay makakatanggap ng parusa si gia dahil sa hindi niya pagsunod , maaari siyang mawalan ng kapangyarihan at ipapatanggal na din siya sa samahan" nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Jl , what the heck si gia mapaparusahan ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Ano? Bakit kailangan niyang matanggal? Si tito symon ba nagsabi niyan?" Sunod sunod kong tanong sa kanya umiling naman siya, edi kung hindi yung daddy ni sela edi sino?

"Hindi si Amang tonyo ang nagsabi nun , nagtaka kasi sila nung araw na yun kung bakit may nadidetect silang powers eh nandoon naman lahat ng tauhan sa willstone , kaya ayun nung pumunta sila marsela doon nalaman na sila palang dalawa ang gumagamit ng kapangyarihan , grabe din yung pinsala na ginawa ni sela muntikan ng gumuho yung campo natin dahil sa galit niya , ilang araw nga din namin naisagawa na lagyan ng bombilya yung mga nabasag dahil sa kagagawan niya" pagkukuwento niya pa hindi na ako magtataka na ganun ang mangyari , ngayon na full forced na yung kapangyarihan niya ay mas lalong mapanganib na siyang kalabanin.

"Kaya delikadong magalit siya eh , ayan din ang sinabi ng daddy niya na if ever ay wag na wag sasagadin yung pasensya ni sela minsan lang siya magalit pero madami siyang mapipinsala pag nangyari yun" sobrang kalmado ni Sela at hindi mo makikitain ng anuman pero once na magalit siya , magtago kana lang.

"So anong balak mo rans? Ipagpapatuloy mo parin ba ito? Nakakapagtaka lang ah , hindi nagpaparamdam si marsela feeling ko may binabalak yun gawin kilala ko si sela , kung nasaan si abby ay nandoon din siya" hindi pwedeng huminto ako ngayon na madami na akong nakakalap na impormasyon kay abby.

"Hays sana naman hindi niya maisipan na bumalik muli dito Jl , mapanganib ang lugar na ito para sa kanya. Ipagpapatuloy ko yung plano ko Jl dahil for sure ganun din ang nanaisin ni abby kung nakakaalala na siya ngayon , mas gusto niyang maging ligtas si sela kagaya ko" ginagawa ko lang lahat ng ito hindi dahil sa pansarili kong kagustuhan kundi para lang maging safe si marsela.

"Goodluck nalang talaga rans! Basta nandito lang ako sa tabi mo para maging back up , i got you pre!" Nakangiting sabi ni Jl nag fist bump nalang kaming dalawa at bumalik na siya sa kanyang inuupuan baka kasi bumalik si abby at masaktuhan niya na nag uusap kami ni Jl.

Mahirap na napakaselosa pa naman niya , naaalala ko yung nangyayari ngayon noon kasi inilalayo niya nga si Jl kay Sela kasi alam niyang may gusto si Jl dito.

Patawad Sela pero hindi ko hahayaang mapahamak ka mas mabuti ng magalit ka sa mga gagawin ko pero para na din ito sa ikakabuti niyong dalawa ni abelaine.

Susubukan kong baguhin ang kapalaran niyo para naman ay walang masawi sa inyong dalawa dahil sobrang napakahalaga niyo sa akin.






Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now