#19

249 27 0
                                    

Abby's Pov

Flashback

Nagkakagulo na ang bawat isa sa paligid dahil sa biglaang pagsugod ng kampon ng aking ama , madami ang nasawi at nakahilata lang sa may mga daanan , nakikipaglaban kami ngayon ni marsela at yung iba na mga ligtas ay kasama nila amang tonyo at nila rans.

Hingal na hingal na ako at nakakaramdam na rin ng pagod ngunit hindi ko ipinapahalata kay sela , ayokong pagalingin niya ako at siya naman ang mas lalong manghina.

She can heal others but she can't use it on herself anday lang ng ganun dahil parang siya ang nagsisilbing nurse naming lahat.

Madami kaming nakasalubong na mga kalaban bali magkalikuran kaming dalawa ngayon para nga mas madali sa amin na makita ang kalaban.

Nakapabilog na sila sa amin mahigit nasa bente sila or madami pa doon , sumugod na sila ng sabay sabay at panay naman kami iwas sa tuwing gumagamit sila ng kapangyarihan.

Gumamit na rin si sela at pinagwawarak niya na ang lupa upang malaglag ang mga iyun doon sa butas at ako naman ay nagbuhat ng malaking bato at inihagis ko doon sa kanila.

Rinig ang mga sigawan nila nung inihagis ko iyun malamang sa malamang na pirat na sila ngayon , patakbo takbo lang kami ni sela ngayon at halatang napapagod na din talaga siya.

Nakita ko sa may dulo si coleen kasama ang ibang tauhan nila dad kaya naisip ko na mapapahamak din si sela pag magkasama kaming dalawa ngayon.

"Sela tumakas kana , iwanan mo na ako dito na mag isa habang wala pa yung mga kalaban natin" hingal na hingal na saad ko puno na din ako ng sugat sa katawan pero kaya po pa naman kahit papaano.

"No abby hindi kita iiwan dito , sabay tayong lalaban hanggang kamatayan" sabay hawak niya sa mga kamay ko , umiling iling naman ako sa kanya hindi maaaring magsama kami.

"No sela kailangan mo ng tumakas ngayon nandun na sila amang tonyo at san pedro sa lugar kung saan isasagawa ang portal , umalis kana habang may oras pa mahal ko" naluluhang sabi ko sa kanya , hindi ako papayag na mapahamak siya , mahihirapan kaming dalawang na harapin sila coleen dahil may kakayahan nga ito na iblock yung kapangyarihan namin na sadyang ang tanging lakas lang namin ang magagamit namin sa pakikipaglaban.

"Ayokong iwan ka dito abby , lalo na at balak ka lang kontrolin ng ama mo para sa kasamaang isinasagawa niya , poprotektahan kita no mali poprotektahan natin ang bawat isa kahit ikasawi man natin iyun ngayon" diretsong niya sa akin habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay ko , unti unti ko naman na tinanggal iyun.

"Please sela makinig ka sa akin okay? Ayokong matupad ang nasa propesiya na ako ang papatay sayo, kaya habang may oras pa at nasa tamang katinuan pa ako ay tumakas kana! Ayoko na yung dalawang kamay ko pa ang gagamitin upang patayin ka mahal ko , hindi ko kakayanin yun pag nagkataon" hinawakan ko yung mukha niya at inilapit ko sa akin , hinalikan ko na muna siya bago ko siyang itulak papalayo.

Ewan ko kung tama tong naiisip ko sa ngayon pero ito lang ang tanging paraan upang maprotektahan ko si sela.

May kakayanan akong gumawa ng portal at makatakas kami dalawa ngunit nag decide na ako na hindi kami pwedeng magsama dahil nga sa propesiya , hindi ko alam kung ano ang mangyayari kaya habang maaga pa lang ay need ko nang mawalay sa kanya.

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now