#7

190 20 0
                                    

Sela's Pov

Nakatingin lang ako ngayon sa may kalendaryo , nalalapit na pala yung birthday ni mommy at 7 years na kaming hindi nagkikita.

Nawalan na ako ng kontak sa kanya dahil kay daddy , ipinaputol niya na yung ugnayan ko sa kanya , kay mommy , kay ate Aya na nag iisa kong kapatid at lalong lalo na sa Grupo namin.

Tinanggalan niya na rin ako ng karapatan bilang leader ng sanggunian namin , ganun siya kagalit sa ginawa ko kasi sinuway ko na naman siya muli.

Pero sila Gia at Rans all goods lang kabilang parin sila sa sanggunian namin argh! Namimiss ko na rin si mommy at gustong gusto ko na siya makita ngayon.

"Sela? Bakit ganyan yung mukha mo ngayon? Anong nangyari bakit para kang binagsakan ng langit at lupa ngayon?" Sambit ni gia sabay abot sa akin ng tasa na may lamang gatas nagpatimpla kasi ako kanina sa kanya.

"Nalulungkot kasi ako gia sa sunod na araw na yung birthday ni mommy at sobrang namimiss ko na siya , gustong gusto ko na sila makita nila ate aya kahit wag ko nalang sana makita si daddy" malungkot na saad ko at nakahalumbaba pa ako ngayon na nag iisip ng paraan kung paano ko nga ba makikita sila mom.

Hindi naman pwedeng umuwi ako doon ng pilipinas ngayon at pag nalaman ni daddy yun ay tiyak ilalayo niya sila mommy sa akin.

"Naiisip mo ba yung naiisip ko ngayon marsela?" Nakangiting sabi niya sa akin na parang nababaliw na.

"Malamang hindi? Hindi mo nga mabasa yung nilalaman ng isip ko na may powers ka pa ako pa kaya na walang kakayanan sa ganun?" Parang timang to si gia di ko naman alam yung iniisip niya eh kesyo kalokohan na naman siguro yang naiisip niya.

"Baliw kaloka ka din kausap eh no! Gamitin ko nalang yung teleportation ko para makapunta tayo agad sa bahay niyo" pagsusuhestyun niya pa sa akin sabay lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Alam mong hindi pwede yang iniisip mo dahil pag na detect ng isa sa mga tauhan ni daddy at nila amang tonyo yang powers at aura mo ay maaari kang mawalan ng kapangyarihan gia! At ayokong mangyari yun pag nagkataon" nasa rules yun nila amang tonyo at san pedro na kapag may nadetect na may gumagamit ng powers ay mapaparusahan at maaari pa siyang mawalan ng kapangyarihan pag nagkataon.

"Hindi naman tayo magtatagal doon eh! Mga 30 minutes na pag uusap niyo ni tita ay sapat na at tsaka nakakadetect lang si Mario pero di niya alam kung sino yung taong gumamit nun" pagpupumilit niya pa umiiling iling naman ako dahil di ako sang ayon sa sinasabi niya.

"Ah basta ayokong gamitin mo yung kapangyarihan mo gia! Sumunod ka nalang sa sinasabi ko at wag mo nang ipilit pa dahil baka ikapahamak mo pa iyun , itulog mo nalang yan gia! Alis na chuu hahaha" pagpapaalis ko sa kanya napatawa naman ako dahil inirapan niya ako abay nagmana na to kay rans ah.

Pagkatapos kong inumin yung gatas ko ay napahiga na muna ako saglit at inisip na naman muli yung tinig na narinig ko nakaraan.

"Hindi talaga ako pwedeng magkamali eh! Argh sela kung si abby yung narinig mo imposible namang hindi sabihin sa iyo ni rans yun? Tsaka matagal ng patay si abby eh sabi nung tauhan ng daddy niya mismo na nahuli naming nakapasok din sa may portal" ani ko sa sarili ko nagpagulong gulong nalang ako sa may kama ngayon at gulong gulo na yung isipan ko.

MY WISH UPON THE STARS (SEBY)Where stories live. Discover now