Kabanata 3

2.2K 96 26
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

KINAUMAGAHAN, alas-sais pa lang ay kailangan ko nang pumasok sa eskwela. Patungo na sana ako sa garahe kung saan ko ipinaparada ang bisikleta, pero napatigil ako dahil nakasalubong ko si Manang Teresa, o Nay Teresa kung tawagin ng iba pang mga tao rito. Isa s’ya sa mga helper namin na nandito na simula bata pa lang ako. Hindi na nga ito nagkaroon ng sarili n’yang pamilya. Kaya naman anak na ang turing n’ya sa’kin.

“Nay, papasok na po ako,” paalam ko rito.

Dahil may katandaan na si Nanay Tere ay ‘di na rin ito pinapagawa ng mga trabahong mapapagod lamang s’ya. Minsan, s’ya na lang ang nagkukusa sa ibang gawain kahit pinipigilan namin ‘to, at ng iba pang mga helper.

“O sige, mag-ingat ka ha,” bilin niyo sa’kin. Kahit kailan ay malambing talaga ang boses n'ya, na parang ang bawat salita ay iniingatan n'ya. 

Lalakad na sana ako paalis, pero napatigil ako ng may pahabol pa ito.

“Nak, ‘yong bisikleta mo pala, na-flat ang parehong gulong,” aniya. 

Napa-awang naman ang bibig ko. Paanong mafa-flat ang mga gulong no’n, e maayos ko naman iyon naiuuwi kahapon?

“Po? Paanong na-flat po?” naguguluhang tanong ko rito.

“Si bunso,” tukoy nito kay Ian. “Mukhang pinaglaruan kagabi, nahuli ng Papa mo,” paliwanag nito. 

Bumagsak naman ang dalawang balikat ko. Walang maghahatid sa’kin papuntang eskwela dahil maagang umalis si Papa. Wala akong ibang magagawa kundi maglakad papuntang eskwela. Swerte ko na lang siguro kung may madaan na tricycle sa’min, na tantsa ko ay imposible. Wala naman kasi kami sa bayan.

“Sige po, Nay. Maglalakad na lang po ako.” Bumuntong hininga ako.

Agad-agad na rin akong umalis dahil mahuhuli ako sa klase kung magpapatagal pa ‘ko lalo. Ayokong nagpapahuli dahil pakiramdam ko ay malalagot ako, kahit no’ng bata pa ‘ko ay umiiyak ako kapag nahuhuli ako ng pasok.

Takbo at lakad na ang ginawa ko papalabas ng bahay at gate namin. Hindi pa naman ganoon kalapit ang ekwelahan ng Idiyanale na pinapasukan ko.

Babaybayin ko pa lang ang malawak na kalsada ng sa pangalawang beses ay napatigil na naman ako. 

“Dayang!” narinig kong tawag sa’kin. Agad akong tumigil dahil alam kong boses n’ya ‘yon.

Tumalikod ako kung saan nanggaling ang boses. Bumungad sa’kin si Rafael na nakasakay sa bisikleta n’ya.

“Paeng,” sagot ko naman dito. Buti na lang ay naka-pusod ang buhok ko kaya hindi ‘to gulo-gulo.

“Papasok ka na? Lalakad ka lang? Asan 'yong bisikleta mo?” sunod-sunod na tanong nito sa’kin. Lumapit pa s’ya sa gawi ko kasama ang bisikleta n’ya.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon