Kabanata 25

887 47 17
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

MATINDI ANG PAG-IWAS NA GINAWA NI TITA NING KAY NINONG ISAGANI. Sa hapag-kainan pa lang kaninang agahan at sa mga nakaraang agahan na pinagsaluhan namin, hindi man lang nag-abala si Tita na dumalo. Napaka-aga ata nitong gumigising at nagpupunta sa bukid na para sa'kin ay malaking himala. Sa sobrang dalang n'yang tumungo roon dahil maputik at mainit, hindi ko mapigilang matawa kapag nakikita s'yang nagdurusa para lang sa pag-iwas n'ya.

Paminsan, inoobserbahan ko rin si Ninong Gani kapag may pagkakataon na nagkakasalubong sila ni Tita, o sandali man na nagkakasama. S'yempre, hindi sila maaalis sa paningin ko. Naniniwala ako na may pag-asa pa sa kanila, lalo na sa mga titig ni Ninong. Nadarama ko ang mga iyon, habang naaasiwa si Tita kapag nahuhuli n'yang nakatingin naman sa kan'ya.

Kung ako sa kanila, tutal at may past naman, kung mag kaliwanagan at mag kapatawaran, p'wede naman nilang ulit subukan. Hindi na sila bumabata, mahirap magkaroon nang pagsisisi. Kaya kapag naayos na ang lahat kina Rafael, ako na ang bahalang mag-abala para magbuhol ulit ng red string of fate nila.

Sa pagdating ni Ninong Isagani ay gumaan sitwasyon sa lugar nila Rafael. Sa wakas, mayroon na rin handang makinig at handang lumaban kasama nila. Kaya heto ako at napapadalas ulit ang pagdalaw sa kubo. Nararamdaman ko na malapit nang bumalik ang dati, kaunting panahon at tiyaga na lang, makakamit din nila ang nararapat lalo na ang hustiya na hinihingi nila.

Ngayong hapon ay nakikinig lang kami ni Rafael ng musika sa boombox habang nagkukwentuhan na matagal-tagal din naudlot noon.

"Mamaya pala ay kakausapin namin si Attorney," banggit n'ya. Napansin ko rito na unti-unti ko nang nakikita ang aliwalas sa mukha n'ya, kahit pa halata na pumayat 'to, hindi na s'ya gaanong mukhang pagod at walang tulog dahil nabawasan ang mga lowat n'ya.

"Ah, 'yung pogi?" sagot ko sabay ngiti.

Nagsalubong ang kilay ni Rafael. "Tipo mo?" tanong n'ya. "Hindi ko alam na may edad pala ang mga tipo mo," tuloy n'ya sa pabulong na paraan.

Napangiwi ako sa sinabi n'ya at binigyan ko rin s'ya ng kunot na noo. "Paeng, ninong ko 'yon."

Namilog naman ang mga mata n'ya, nakalimutan kong sabihin sa kan'ya na ninong ko ang tinutukoy namin. Ayoko nang sabihin pa na hiniling ko kay Papa ang pagtawag kay Ninong para matulungan sila. Tutal ay bukal naman sa loob ni Ninong Isagani ang pagtulong kina Rafael, ang papel ko sa sitwasyon nila ay napakaliit lang.

Napakamot 'to ng ulo "Ah, akala ko..." bumulong-bulong s'ya.

"Atsaka si Tita Ning ang may type doon, 'no," sabi ko, nakalimutan na secret pala namin na mag-ex silang dalawa.

Mabuti na lang ay hindi naman ususero si Rafael at malayo ang ugali n'ya sa ugali kong iyon. Itinuon n'ya ang pansin n'ya sa isang shoebox na may nilalaman na mga cassette tapes na naisalba nila mula sa sunog, kasama na roon ang mga cassette tapes na ibinigay ko. Kapag nakikita ko ang mga piraso na iyon, nalulungkot lang ako, naiisip ko na sana hindi na lang isinalba iyon ni Rafael. Dahil paano kung kapag nakikita n'ya ang mga iyon, nalulungkot lang s'ya? Ang dami-dami pa nilang mas mahalagang gamit na mas karapat-dapat na hindi kinain ng apoy.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon