Kabanata 8

1.1K 65 18
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

Siguro nga alam na n’ya.

Alam na siguro ni Rafael na may nararamdaman ako para sa kan’ya. Hindi naman kasi ganoon kahirap makita, hindi naman din s'ya bulag, at lalong hindi s’ya tanga. 

Ayon nga kay Manang Jo, Manang Tinay, pati na rin si Miran, masyado naman akong halata. Kaya nga pinagsasawalang bahala ni Paeng, dahil ‘yon siguro ang paraan n’ya para sabihin na hindi n’ya nararamdaman kung ano ang nararamdaman ko para sa kan’ya. 

Hindi s’ya nag-abalang pakinggan ang mixtapes na ginawa ko dahil wala s’yang pakialam, kundi ayaw n’ya lang talagang bigyan ng pakialam. 

Sa ngayon, dahil sa pag-aaway namin ni Paeng noong isang hapon ay pilit ko talaga s’yang iniiwasan. Kahit anino pa lang n’ya ang tila makita kong susulpot ay umiiwas na ‘ko. Pero kung kailan naman ako umiiwas, doon naman s’ya nagpupumilit na magpakita!

Gusto ko na lang mapa-face palm sa sitwasyon namin, wala kasi akong mukha na maihaharap sa kan’ya. Ang childish ko sa pagmamaktol, at ang childish ko rin sa pagiging duwag.

Kapag papasok ako ng eskwela ay bigla ko na lang s’yang madadatnan sa labas ng gate namin at naghihintay kasama ang bisikleta n’ya. Sinusubukan n’yang makipagbati sa’kin pero dinadahilan ko na mahuhuli na ‘ko sa pagpasok. Mas kinagulat ko na lang dahil pati oras ng uwian ko, sa labas ng gate ng eskwela ay hinihintay pa rin n’ya ‘ko. Kinukuntsaba ko tuloy si Miran na tulungan ako para makatakas ako kay Rafael. 

Pero kahit ano atang iwas ko, hindi ko naman s’ya maiiwasan sa mga susunod. Hindi kasi s'ya nakuntento at naubos na rin siguro ang pasensya n’ya kakahabol. Kaya imbis na hintayin n’ya ‘ko sa labas ng bahay o labas ng eskwela, bigla ko na lang s’yang nadatnan sa loob ng kwarto ko pagkauwi ko ngayong hapon galing klase.

Prente s’yang nakaupo sa gawi ng study table ko; nakahalukipkip, kaya nakalitaw ang muscles n’ya sa braso dahil na rin sa suot n'yang puting t-shirt. Nakita kong bumuhay ang mga mata n’ya nang makita ako.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko, biglang lumabo ang kalagayan ng isip ko kung saan ba ‘ko pupunta palayo. 

“Dayang,” tawag nito sa’kin. Tumayo s'ya mula sa kinauupuan n’ya at mukhang hindi rin alam ang gagawin n’ya. Nilagay na lang n’ya ang isa n’yang kamay sa bulsa ng maong n’yang pantalon.

Binaba ko ang tingin ko sa sahig. “Bakit ka nandito?” tanong ko imbis na bumati.

“Dito na ‘ko pinaghintay ng Papa mo, nililinis pa raw kasi ang sala n’yo dahil may darating daw kayong bisita,” kaswal n'yang sagot. 

Kahit pagtango ay ‘di ko binigyan si Rafael. Lumapit lang ako sa gawi n’ya para ilagay ang backpack ko sa study table ko. 

“Nandito rin ako para mag-sorry…” aniya sa halos pabulong na boses. “‘Wag ka nang magalit, okay? Hindi ako sanay na galit ka.” 

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon