Kabanata 14

1K 47 11
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

ANG KASIYAHAN NG PISTA AY MABILIS DIN NATAPOS. Bumalik na ang mga tao rito sa Idiyanale sa normal naming araw-araw, at mukhang sina Rafael kasama na ang mga kapit-bahay nilang magsasaka ay nanatiling matatag sa desisyon nilang huwag pakinggan ang mga tauhan ni Don Lacsamana. 

Dahil sa napag-usapan namin ni Papa no’ng nakaraang araw ay ‘di ko mapigilang mapa-isip sa sitwasyon ni Rafael. Paano kung hindi nga sila pakinggan ni Mayor Jaime? Saan sila hihingi ng tulong? Kung hihingi man sila ng tulong sa iba, pakikinggan kaya sila? Ang mga kwestiyon na ‘yon ang bumabagabag sa’kin ilang gabi na rin ang nakakalipas. 

Ngayong tipikal na araw kung saan kakatapos lang ng pasok ko sa eskwela at pauwi na ‘ko habang nakasakay sa bisikleta ko, nadaanan ko ang kalsada malapit sa kubo nila Rafael. Tumambad sa'kin ang pigura ng mga magsasakang nagtatrabaho pa rin sa bukid, ang iba pa ay makikita sa kilos at tindog nila na may katandaan na rin. Binuhos nila ang buhay nila sa lugar na ‘to at sa kabuhayan na hindi na naalis sa sistema nila.

Napatigil ang pagpadyak ko nang madatnan ko na naman ang pamilyar na mga lalaki, sa ngayon, alam ko na kung anong pakay nila sa pagmamasid noong mga nakaraang linggo. Sila ang mga tauhan ni Don Lacsamana. 

Kahit may pag-aalinlangan sa loob ko kung lalapitan ko ba ang mga ‘to, ay kusa na lang akong napatayo at marahang lumakad habang akay-akay sa gilid ang bisikleta ko patungo sa tatlong lalaki na nasa tabi ng kalsadang kinalalagyan nila. 

“Ano ho ang kailangan n’yo?” magalang kong tanong sa mga ito. 

Napalingon ang mga lalaki sa’kin. Ang nakapagitna sa kanila ay tinanggal ang suot-suot n'yang salamin na panangga sa tirik ng araw. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa sa ‘di ko mawaring dahilan.

“Taga rito ka ba? Isa ka ba sa anak ng mga magsasaka rito?” pag-uusisa niya. Ang tono nito ay malayo sa tonong gamit ko, ni hindi man lang nito naisip na rumespeto sa kausap n’yang hindi naman n’ya kakilala. 

Napalitan ang mga malambot kong ekspresyon ng mga matang bahagyang naningkit. “Oo, taga rito ho ako at anak ako ng isa sa mga magsasaka rito. Bakit n’yo ho tinatanong?” tanong ko sabay ayos ng tindig ng pagkakatayo. “Bakit kayo nandito?” 

Kinailangan kong magsinungaling, dahil kung hindi, mukhang hindi rin pauunlakan ng mga lalaking ‘to ang mga katanungan ko.  

Ang lalaking nakapagitna ay sumulyap sa dalawa n’yang kasama. Ngumiti ‘to, ipinapakita ang isa sa pangil n'ya na gawa sa pilak. 

“Nag-empake na ba kayo? Iisang buwan lang ang binigay sa inyong palugid para umalis.” 

Tuluyan nang nagsalubong ang mga kilay ko sa saad nito. Ayokong-ayoko sa mga taong mayabang magsalita, sa tingin n'ya pa lang kanina na parang sinusuri ako, mukhang minamaliit n’ya ‘ko, o ang mga tao rito.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon