Kabanata 20

894 54 15
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

Masakit tanggapin ang lahat. 

Dumating ang sinag ng umaga, pero dala ng liwanag, makikita ng lahat na wala na ang lahat; ang buhay at kabuhayan ng iilang mamamayan ng Idiyanale. 

Sa kapilya ng hospital sa bayan, natagpuan ko ang sarili ko kasama si Rafael na naghihintay, nagdarasal, nagmamakaawa na sana naiwan na lang ang lahat no’ng gabing ‘yon. Manatili roon ang hinagpis, at pagkarating ng bagong umaga, babalik ulit ang lahat sa dati. Sa Idiyanale na kinalakihan ko, sa mga kubo na matatag pa ring nakatayo, sa mga magsasaka na payapang namumuhay sa araw-araw, at ang buhay ng isang taong dapat nanatili. 

Sa tulong nila Papa gamit ang sasakyan at truck na nakalaan lang dapat para sa bukid ay naitakbo namin ang iibang sugatan at walang malay sa hospital, kasama na roon si Tiyang Rosa. Ayaw namin s’yang sukuan, dahil ganoon naman ‘pag mahal mo, ultimo sa katiting na pag-asa, ipipilit mo. Hindi mo agad-agad sila susukuan, kaya nga masasabi mong mahal mo sila. 

Ngunit binasag agad ang pag-asang natitira kay Rafael nang ideklara ng doktor na dead on arrival na si Tiyang Rosa. Bumigay ang puso nito habang nangyayari ang trahedya, at parang ako na rin ang bibigay nang mag lupasay si Rafael at magmakaawa na baka may magawa pa para muling gumana ang puso ng nanay n’ya. 

“Hindi, hindi! Buhay pa si Inay! Buhay pa s’ya, buhay pa s’ya, buhay pa s’ya!”

Ang emosyon ng mga tinig n’ya, ang putol-putol na mga salita n’ya, at ang paggiit n’ya, lahat ng iyon, hindi na mawawala sa isipan ko. 

Napatingin ako sa lalaking katabi ko, nakayuko ito. Gusto ko sanang hingin kahit kalahati lang ng pagod n’ya, akuhin ang lungkot n’ya na mukhang hindi na n’ya kaya pang dalhin, at sabihin na magiging maayos din ang lahat, pero lahat ng iyon ay imposible. Dumapo ang mga mata ko sa isang kamao n’yang nakapatong sa kan’yang kandungan, mahigpit iyon na ayaw kumawala. Doon nakabuhos lahat ng hindi n’ya lantarang mailabas. 

Marahan kong hinawakan ang kamay n’yang iyon, dahan-dahan na rin bumigay ang mga kamao n’ya para mayakap ng mga daliri ko ang kan’ya. Malamig man ang palad n’ya, sana ay sapat na ang akin para mabigyan iyon ng init. 

“Hindi aksidente ang lahat…” wika n’ya sa mababang boses. “Sinadya ‘yon.”

Hinarap ako ng mga mata ni Rafael na kitang-kita ang sakit, pumungay iyon dala ng ilang oras na walang tulog, at halata pa rin ang pamamaga dala ng ilang luhang pinakawalan n’ya kanina. “Kitang-kita ko…namin, may sumunog ng mga kubo.”

Napalunok ako, hindi sigurado ang sasabihin. “Nakita n’yo ba kung sino?” 

“Anino pa lang nila alam ko kung sino na sila. Tangina,” nanggagalaiti n’yang sabi. “Paano magkakaroon ng gano’ng kalaking sunog at sa hating gabi pa? Planado lahat ng ginawa nila.”

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon