Kabanata 11

1.2K 50 16
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

SA IKATLONG LINGGO NG MARSO ANG PISTA NG IDIYANALE. Ang preparasyon nito ay nagsisimula sa unang linggo pa lang ng buwan. Mula sa mga banderitas, sa mga sasayaw at tutugtog sa makulay na parada, at sa mga patimpalak na gaganapin. 

Ang Pista rito ay halos kasing laki na rin ng pasko o bagong taon, selebrasyon kasi ito kung saan nagpapasalamat ang mga taga-Idiyanale sa masaganang ani kung saan kilala ang lugar. Kadalasan ng mga taong dumadayo sa pista ay maraming naiuuwing gulay at prutas sa pinanggalingan nila dahil bagsak-presyo ang mga ito.

At dahil ngayon ang araw ng pista, ngayong araw rin ang Kantahan sa Bayan—ngayong araw na kami kakanta ni Rafael. Sa mga lumipas na linggo ay nag-practice naman kami, tamang practice lang, at tamang lokohan. Iniisip ko na lang na mas mabuti na nga iyon, at least, walang pressure. Pero mukhang iba ang nararamdaman ko sa ngayong araw.

Sa kinapal ng mukha ko sumali kahit hindi naman kagandahan ang boses ko, ngayon ko lang naramdaman ang kaba kung kailan nandito na kami sa bayan para sa sinalihan naming contest. Sa Calle Tala, ang pinaka-abalang kalye sa kabuuan ng Idiyanale ay ipinasara para sa pagdiriwang. Nandito kasi ang entablado kung saan gaganapin ang singing contest ngayong hapon, kasunod ang parada at ang pinakahuli naman ay ang boxing. Noong nakaraang taon kasi ay hulihan ng biik ang ginanap, tuwang-tuwa pa nga si Miran dahil may mga binata pang haciendero na sumali at nakita namin ang mga ‘to na walang pang itaas na suot. Kaya naman nakakapagtaka kung bakit boxing ang pinalit nila, masaya naman ang hulihan ng biik noong nakaraan. 

Sa mismong kalye rin na ‘to magaganap ang parada na laging inaabang ng mga tao. Ang mga kalahok kasi rito ay nakasuot ng makukulay na costume, at bida ang mga suot nilang korona na ang pangunahing materyales ay galing sa mga ani na gulay at prutas. 

Nasa likuran lang kami ng enteblado ni Rafael kasama na rin ang iba pang kalahok. Iba’t ibang edad ang kasali, may mga teenager, may mukhang pamilyado na, at may mga batang mukhang pinilit lang ng mga magulang nilang sumali. 

“Mag-ready na po ang lahat at magsisimula na ang contest in ten minutes,” anunsyo babaeng pixie cut ang buhok, siya ang isa sa mga organizer.

Napalunok ako dala ng namamayagpag na bilis na pagtibok ng puso ko bago mapatingin kay Rafael na nasa tabi ko lang. Naka polo itong puti na binabalot ng faded denim jacket. Magkaterno kaming dalawa nito dahil habang suot-suot ko ang puting bestidang abot tuhod na bigay sa‘kin ni Tita Ning ay pinatungan ko rin ‘to ng denim jacket. Simple lang ang ginawa naming costume ni Rafael, casual lang na babagay sa kakantahin namin. Ang iba kasi ay naka americana, at nagulat ako dahil may naka gown pa, akala ko nga sa beauty pageant sasali, dito pala.

Naging malinaw ata ang kaba ko sa mga mata ni Rafael, sa pukaw ng mga tingin n’ya na magaan at komportable na parang sinasabing ‘wag akong mag-alala. Hinaplos nito ang ulo ko at ngumiti na nagbigay ng panatag sa'kin.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon