Kabanata 10

1.2K 52 19
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

Bumalik lang din kami sa dati ni Rafael.

Matapos kong magmuni-muni sa kwarto ko kung ano ba ang dapat gawin ko, ay naisipan ko na itutuloy ko pa rin ang pagbibigay ko ng mixtape sa kan’ya. Wala namang masama kung ipagpapatuloy ko pa rin ‘yon dahil ako naman ang gumawa ng kasunduan naming magpalitan ng mixtapes kahit pa hanggang ngayon ay wala pa rin s’yang binibigay sa’kin. 

Ang panahon ng pagsuko ko kay Rafael ay hindi pa sa ngayon, pero hindi rin ito ang tamang panahon para siguro ipilit kong iparating sa kan’ya ang nararamdaman ko. 

Mas mabuti pa na ituon ko muna ang atensyon ko sa ibang bagay, katulad ng pagtungtong ko sa kolehiyo at ang Kantahan sa Bayan na nalalapit na. Nakapagpalista na rin ako ng pangalan namin ni Rafael doon kaya final na ang desisyon at totoong sasali na nga kami. 

Dahil bakante ang hapon ko ngayong Biyernes at panahon na para naman mag practice kami ni Rafael para paparating na kompetisyon ay tumungo ako sa kubo nila. 

Sakto naman at nadatnan ko lang ang taong pinunta ko na nagkakape sa hapag nila habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung malalim ba ang iniisip n’ya, o wala lang s’ya sa sarili. Mahilig din naman kasi akong mag kape, pero hindi naman ako ‘yung tipong kada higop ng kape, bigla na lang titigil at titingin sa kawalan. Natatawa ako kapag nahuhuli ko si Papa na ganoon, at ngayon naman ay si Rafael ang nahuli ko. 

“Hoy, ‘yung isip mo umabot na ng impyerno sa sobrang lalim,” asar ko kay Paeng nang maupo ako sa silya sa tabi nito.

Sinimangutan n’ya lang ako bago sipatin ng nagtatanong na mga tingin ang mga album, cassette tapes, at Song Hits magazines na nilapag ko sa lamesa. 

“Bakit dala-dala mo ‘tong mga 'to?” nagmamaang-maangan n’ya pang tanong na dahilan naman para ako ang sumimangot.

“Hello? Kailangan na nating mag practice,” sagot ko rito bago ko maarteng inikot ang mga mata ko.

Napangiwi si Rafael at kinamot ang ulo n’ya. “Sasali ba talaga tayo?”

“Aba, malamang oo. Nakapagpalista na ‘ko kaya wala nang atrasan,” atas ko at tinitigan ito ng diretso at determinado. “Paeng, in life, bawal ang chicken.”

Bawal ang chicken dahil bawal ang duwag. 

Bumulong bulong ‘to kahit rinig ko naman. Ang corny ko raw, pero sa kan’ya ko naman ‘yon natutunan. 

Nagdala ako ng iba’t ibang CD album, cassette tapes, at Song Hits magazines na pinapabili ko kay Papa kapag galing s’ya ng Maynila dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapili ni Rafael kung ano ang kakantahin namin.

“Kailangan na natin mamili ng song number,” ani ko bago tumayo para pumunta sa kwarto nila ni Tiyang Rosa upang kuhain ang boombox niya at isang bagay na maaring magbigay sa’min ng plus points.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon