Chapter 11

4.8K 137 12
                                    

PAGKAPINDOT ko ng link na dapat pala ay hindi ko na ginawa dahil iyon ang dahilan kung bakit natulos ako sa aking kinauupuan.

Si Russell Matthew Ricadalgo at Camille Luzren ay engaged na.

Ayun ang nakalagay sa link sinasabing kahapon naganap ang engagement party nila at dahil nga kilalang tao si Russell ay may mga media na pumunta.

Hindi rin lingid sa kaalaman ko na kilala din ang pamilyang Luzren sa buong bansa pero mas kilala o sikat ang mga Ricadalgo.

At kung magpapakasal nga sila ay talaga namang lalo pang uusbong ang kanilang mga pamilya.

May videong nakalakip sa link kaya naman pinanood ko ito.

Ang nakalagay sa video ay ang ilang mga pictures na kuha sa engagement party nila nakalagay din dun ang kuha ng singsing ni Camille na talaga namang alam mong pinagastusan.

Kita mo sa mga mata ni Camille na masaya siya ngunit kabaliktaran nun ang itsura ni Russell,tahimik lamang siya sa tabi ni Camille at seryosong nakatingin sa camera wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mga berdeng mata.

Naka navy blue gown si Camille na may konting mga design simple pero elgante ang dating si Russell naman ay naka navy blue din na suit.

Napakaganda ni Camille sa kaniyang suot ibagay mo pa ang maliit na koronang nakalagay sa kaniyang buhok.

Hindi ko na tinapos ang video dahil bigla akong nakaramdam ng inis.

Pinatay ko na ang aking cellphone at nilapag sa table malapit sa bed, humiga nalang ako sa kama at nag muni muni.

Iniisip ko ang mga napanood ko sa video ang engagement ang itsura ni Russell na blanko pero hindi bat dapat ay masaya siya, ikakasal na siya hindi na siya lugi maganda si Camille sexy,mayaman ano pa ang hahangan-
din niya?

Pero sabi ng isang banda ng utak ko ay okay nga yun na walang reaksyon si Russell kase posibleng Arrange marriage ang naganap sa kanilang dalawa at maaaring hindi din nila mahal ang isa't isa.

Pero iba ang nakikita ko sa mga mata ni Camille habang nakahawak siya sa braso ni Russell,makikita na tunay ang pagmamahal niya kay Russell.

Ang hiling ko lang ay sana sana talaga ay hindi mahal ni Russell yung si Camille kase kung mahal niya mahihirapan akong sabihin sa kaniyang nagbunga ang ginawa namin.

Balak ko kasing aminin na sa kaniya na may anak na siya hindi lang isa hindi din dalawa kundi tatlo,gusto kong lumaking may ama ang mga anak ko ayoko ding isipin nilang kulang sila kaya't hanggang maaari ay gusto ko nang masabi ito kay Russell.

Pagkapanganak ko dun ko sasabihin sa kaniya at sana alang ay huwag niyang ipagtabuyan pero kung kasal na siya sa mga panahon na iyon ay baka maduwag na akong sabihin sa kaniya iyo.

Ayokong makasira ng relasyon at ayokong bigyan ng responsabilidad si Russell na ayaw naman niya.

Itutuloy.
❄️
Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon