Chapter 28

4.5K 143 2
                                    

NAG AALMUSAL kaming lima ngayon at ganadong ganado ang mga bata si Russell naman ay tila namamangha sa ikinikilos ng triplets.

"Mimi water po." sabi ni Apollo.

Binigyan ko naman ito ng tubig at siya na ang nagpainom sa sarili niya inabutan ko din ng tubig ang dalawa pa.

Pagtapos naming mag agahan ay nagpunta kami sa pool ng likod ng bahay upang mag relax at magpa araw maaga kasi at maganda ang gantong araw.

Ang mga paa lang namin ang nakalubog sa pool.

Kasama din namin si Russell katabi niya si Adonis at Cletus na ngayon ay nagkukuwentuhan.

Napatingin naman ako kay apollo na kumalabit sa akin,may itinuturo ito kaya naman tinignan ko iyon at nakita kong frog na salbabida yon.

Tinanong ko naman siya kung bakit peeo hindi ito sumagot at tinuturo pa din ang salbabida.

Napangiti naman ako kasi parang alam ko na kung anong gusto ng baby ko.

"Oh, sige maghubad ka na Apollo wag ka lang pupunta samalalim." sabi ko dito habang hinahanplos ang buhok niya na nagpangiti sa kaniya.

Nakatayo na siya ng matigilan ito at napatingin kay Russell na ngayon ay nakatingin din sa kaniya.

Unti unti naman itong umupong muli sa aking tabi kaya nagtaka ako.

Tinanong ko naman siya kung bakit hindi pa siya lumangoy pero umiling lamang ito at yumuko.

Napatingin naman ako kay russell at sinenyasan siyang wag tumingin naintindihan naman niya yun dahil nga medyo ilang sa kaniya si Apollo.

Umalis muna ito at nagpaalam na kukuha ng maiinom.

Pagkaalis ni Russell ay tumingin ako ulit kay apollo at inaya na itong mag swimming.

Sumaya ulit ang itsura niya at nagpahila sa akin sa bandang mababaw side na pool.

Pinahubad ko lang dito ang damit niya at pati ang dalawa gusto din kasi ng mga ito.

Hindi naman ito ang una nilang pagswimming pero ito ang totoong swimming pool sa timba lang kasi sila noon.

Marunong din silang tatlo lumangoy dahil tinuruan ko ang mga ito noong minsan ay nagvacation kami ng isang linggo sagot ni Oliver.

Nung una pa nga nun ay natakot ang tatlo dahil madaming tao at malalim ang tubig kaya naman dinala ko ang mga ito sa swimming pool na oara sa mga bata at doon sila tinuruan.

Masayang nagtatampisaw na ang mga bata nang dumating si Russell dala ang limang orange juice.

Napatigil naman ang tatlo sa pagdating niya at tumuloy din sa paglalaro sa pool maliban kay Apollo na ngayon ay mabilis na lumapit sa akin at yumakap.

Nakita ko naman ang dumaang lungkot sa mukha ni Russell sa inaktong iyon ni Apollo.

Napabuntong hiningi naman ako at hinawakan ang balikat ni Apollo upang makita siya at naoansin ko sa mukha niya ang hiya.

Lumuhod ako upang magpantay kami at sinabing

"Apollo bumalik ka na dun at maglaro, hindi naman magagalit si Russell sa iyo e." sabi ko dito.

"Yaw ko na mi." mahinang sabi nito at yumakap sa aking leeg.

Napapahiyang napatingin naman ako kay Russell na ngayon ay nakatingin sa amin,nakakaintindi naman itong tumango at pumunta nalang sa dalawang patuloy pa ding naglalaro.

Itutuloy.
❄️
Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon