Chapter 31

4.4K 147 4
                                    

PUMASOK na kami sa loob ng bahay pagkatapos kaming makita ni Russell, ngayon tuloy ay paran ang awkward na ng atmosphere dito sa bahay.

Tahimik lang kasing nagmamasid sa amin si Russell hindi ko alam kung galit ba siya o ano wala na kasing emosyon ang mamabasa sa kanyang mukha.

Ang triplets naman ay masayang  kakuwentuhan si Oli habang binubuksan ang kaniya kaniyang pasalubong.

Masasabi mo talagang masaya ito dahil hunahagikgik ang mga uto ng pagkalakas lakas kada may sinasabi si Oliver na nakakatawa.

Maya maya ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa at tumungo sa kitchen upang bigyan ng maiinom man lang si Oli.

Pag balik ko sa sala ay nakita ko si Russell na nakatingin lang sa apat na masayang nagkukuwentuhan,kita ko sa mga mata niya ang lungkot maramil ay dahil mas close pa din ang tatlo sa tito nila kesa sa kaniya.

Lalo na si Apollo na nakakandong pa kay Oliver talagang masakit yun para sa kaniya ang makita ang sarili niyang anak na may itinuturing ng ama.

Hindi tumagal ay tumayo na si Russell kaya naman napatingin ako dito pero wala siyang sinabi at umalis lang ng bahay hanggang sa narinig ko ang Sasakyan niya kaya naman napasilip ako sa bintana at tama nga ako ng hinala,umalis ito.

Napabuntong hininga nalang ako naiintindihan ko naman kasi si Russell.

Napatingin akong muli sa apat at nagulat pa ako ng makita ko si Apollo na nakatingin sa akin pero agad itong umiwas ng napatingin na ako sa kaniya.

Nang gumabi ay hindi pa din dumadating si Russell kaya naman nag aalala na ako.

Tulog na din ang mga bata sa kanilang kwarto at nakauwi na si Oliver kanina pa nag usap lang kami saglit bago siya umuwi.

Dito na din siya kumain request na din ng mga bata.

Habang tumatagal na wala pa din si Russell ay lalo akong kinakabahan baka kasi ano nang nangyari dito lalo na at gabi na.

Tinext ko na na din ito pero hindi naman ito nag rereply tinary ko na din siyang tawagan ngunit out of coverage naman ang sinasabi ng aking cellphone.

Tinignan ko ang orasan at napahilot nalang sa sintido ng makita kong alas dos na ng madaling araw,inaantok na din ako pinipilit ko lang.

Ng hindi pa din dumating si Russell ay napagpasyahan ko nalang na matulog sa sofa pero sinilip ko muna ang tatlo bago natulog.

Kinaumagahan ay nagulat pa ako ng magising ako na nasa kama ang naaalala ko kasi ay sa sofa ako natulog.

Napatingin naman ako sa side table na meron ng handang pagkain mas nakita din akong note na nakadikit dito.

Kinuha ko iyon at binasa napangiti nalang ako pagkatapos kong basahin iyon.

"Dinala na kita sa kwarto mo,pag uwi ko kasi kanina ay nakita kitang hirap na matulog sa may sofa also,sorry dahil hindi ako nakauwi agad but i made you breakfast hope you have a good sleep:)"

Ayun ang nakalagay sa sticky note.

Kaya naman sinimulan ko ng kumain at pagtapos ay chineck ko ang kwarto ng tatlo ngunit wala na sila dun ng marinig ako tawanan sa may garden.

Pumunta ako sa garden at dun ko nakita ang tatlong nagtatakbuhan kasama si Russell.

Hinahabol sila ni Russell at tuwang tuwa naman ang tatlo at tumitili tila pa.

Itutuloy.
❄️
Want some nanny and boss story? Try to read BS#1 Betrayed.

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon