Chapter 37

4.3K 127 12
                                    

ANIM na buwan na ang lumipas mula ang operasyon ni Adonis at ngayon nga ay masigla na siya.

Anim na buwan na ding wala si dad pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din matanggap.

"Hey,baby." rinig kong sabi ng tinig sa likod ko at humalik ang taong yun.

Napangiti nalang ako sa tinuran ni Russell at oo pinapayagan ko na siya humalik halik at tawagin akong baby.

Tatlong buwan ang nakalipas ng mag tapat siya sa akin ng kaniyang nararamdam. Sinabi din niyang gusto niya mabuo ang pamilya namin.

Ayaw daw niyang lumaking hindi maayos ang pamilya ng mga bata at sinabi niya din sa aking mahal niya nga ako.

Naalala ko pa nung araw na nagpropose siya. Nagulat pa ko kasi hindi ko naman yun akalain at lalo na ay napaka elegante na akala mo e ikakasal na.

Nakapiring ang aking mga mata at ginagabayan ako ng triplets sa paglalakad.Ang sabi ay mayroon day silang nais ipakita sa akin.

"Mimi, lapit na po." rinig kong sabi ni Cletus kung hindi ako nagkakamali.

"Excited ka na po ba mimi." rinig ko namang sabi ni Apollo.

At narinig ko ding humagikgik lang si Adonis at hindi na nagsalita hanggang sa pinahinto na nila ako sa paglalakad.

Namalayan ko nalang na may tumanggal sa aking piring kaya naman nakita ko ang ayos nito na siyang nagpalaki ng aking mata.

Napakaganda ng ayos masasabi mo talagang pinaghandaan,nagkalat ang mga Puting Rosas sa sahig ngunit maganda naman ito tignan naka cicrle din kasi ito.

Ang mga ilaw ay may mga designs na talaga namang lalo pang nagpaganda dito at may ilang pang mga simpleng designs.

At nakita ko sa nalang si Russell na may hawak na puting bulaklak habang naglalakad papalapit.

"For you,baby." sabi niya pagkalapit at binigay ang puting rosas.

Nagpasalamat ako dito at ginaya ako nito sa mesa na maganda din ang ayos at nagtawag siya pero wala naman akong ibang nakita hanggang sa sumulpot anh triplets na nakapang waiter na damit.

Natuwa naman ako dahil dun dahil ang cucute nilang tignan sa suot nila plus mga seryoso talaga ang mga ito.

Una ay ang panganay na si Adonis muna ang naglagay mg Steak at pasta.Pangalawa ang si Apollo na naglagay ng Dessert at pangatlo si Cletus na naglagay ng inumin.

Dala dala din nito ang wine at nagsalin na sa aming baso.

Abot naman nila ang mesa dahil medyo maliit lang ito at medyo matangkad nanaman sila kaya abot na nila.

Pagkatapos nilang mailagay ang lahat ng iyon ay sabay sabay itong nag bow na nagpahagikgik sa akin.

Pagkatapos ay umalis na sila kaya naman napatingin na ulit ako kay Russell na matamaang nakatingin sa akin habang nakangiti.

Pagtapos naming kumain ay tumunog ang musikang pangsayaw kaya naman hiningi ni Russell ang aking kamay upang maisayaw.

Naglakad kami hanggang gitna at dun na siya humawak sa aking bewang at humawak naman ako sa kaniyang balikat.

Maya maya ay nagsalit siya kaya naman nakinig nalang ako habang nag iisway kaming pareho ng mabagal ayon sa ritmo ng kanta.

"Celeste Afiya Merden I'm here in front of you to say that I want you to be my wife for the rest of my life and i want you to marry me infront of God and show you my love everyday I love you so much baby." sabi niya at idinikit ang noo sa aking noo.

Maya maya ay lumuhod ito kaya naman napatakip ako ng bibig dahil na din sa gulat.

Naglabas ito ng singsing na talaga namang napakaganda.

"Will you marry me baby?" tanong niyahabang nakaluhod.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil doon at gulat na gulat pa din.

"Baby common say something I'm nervous here, and please baby Celeste say yes." sumamong sabi nito kaya naman napatawa ako at sinabing.

"Yes!" sabi ko na nagpalaki ng mata nito at agad agad sinuot sa akin ang singsing at yumakap ng napakahigpit sa akin.

"Kinikilig ka pa din noh?" natatawang sabi ni Russell ng makita niya akong parang nagdadaydream kaya naman pinitik ko ang ilong nito na siyang nagpatawa sa akin.

Itutuloy.
❄️
3 chaps to go<3.

Kumusta kayo?

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon