Chapter 15

4.7K 161 5
                                    

MALAKI na ang tiyan ko at talaga namang bilog na bilog malapit na din ang due date ko kaya naman kinakabahan ako at the same time ay naeexcite dahil makikita ko na ang aking mga munting supling.

At dahil nga nung nakaraan pa handa ang mga gamit ay nakahanda na siya upang magamit kung sakaling manganak na ako.

Madalas ding magpunta dito si Oli para bumisita at magdala ng kung ano anong pagkain na siyang paborito ko at shempre hindi mawawala doon ang peanut butter.

At kapag nandito si Oliver ay nagkukuwentuhan lang kami at nagtatawanan si Dad naman ay hindi na muna pumapasok sa trabaho niya dahil baka daw pag pumasok siya ay manganak ako at gusto niya ay siya ang kasama ko.

Sa ngayon ay nanonood ako sa Tv ng isang palabas habang pumapapak ng peanut butter.

Hindi ko napansin na may nagdodorbell pala napansin ko lang ng pumasok si Oli at umupo sa aking tabi.

May dala muli siyang mga pagkain pero ngayon ay puro chips at shempre my all time favorite, peanut butter.

Nakinood na din siya habang kumakain pa din ako ng peanut at siya naman ay kinakain ang dinala niya ewan ko ba jan nagdadala ng pagkain pero siya din naman ang kumakain maliban lang sa peanut shempre.

Habang nanonood ay nakaramdam ako ng hindi malamang sakit sa aking tiyan napatingin naman sa akin si oli sa biglaang kilos ko at tinanong ako kung ayos lang ba ako.

Hindi naman ako makasagot kasi parang may biglang sumirit na tubig sa akin hanggang sa aking hita pababa.

Bigla namang dumating si dad galing garden at nung napansin niyang may iba sa akin ay agad agad siyang lumapit at tinanong din ako kung ano ang nararamdaman.

Nang hindi ako sumagot ay nagsabi na si dad na pupunta na kaming hospital dahil nakita niya ang tumutulo sa aking hita.

Kasama din naman si Oliver habang si mang Jose ang nagdidriver naiinis na nga si dad dahil medyo nagtraffic pa.

"Jose bilisan mo at nahihirapan na ang anak ko!" nawawalan nang pasensyang ani ni Dad kay Mang Jose na siya namang natataranta na din kapag naririnig ang mga daing ko.

Hindi na din nagtagal at nakarating na kami sa isang private hospital na siyang may ari ng aking tito.

Agad agad akong inasikaso ng mga nurse at doctor at sinabing manganganak na ako.

Hawak hawak ni dad ang kamay ko habang papunta sa emergency.

Bawal pumasok si dad pero nagpumilit siya at nagalit kaya naman pinapasok na siya kasama ako sa loob.

May kung ano ginawa ang mga doctor at nurse pero wala dun ang focus ko kundi sa sakit na aking nadadama.

Si Dad naman ay hawak pa din ang kamay ko at binubulungan ako na kaya ko ito pero parang wala iyong epekto at ganun pa din ang nararamdaman ko hanggang sa sinabi ng doctor na kailangan ko nang umire dahil oras na para lumabas sila.

Isang malakas na sigaw ang ginawa ko at sinabayan ng ire patuloy iyon hanggang sa makarinig ako ng iyak ng sanggol.

At dahil nga triplets sila ay kailangan ko pang umire ng dalawang beses.

Sumigaw ako ng malakas kasabay ng iyak ng pangalawa kong anak pinahinga ako ng malalim ng doctor at pinaire na kaya naman umire na ako at doon ko na narinig ang iyak ng aking bunso.

Itutuloy.
❄️
Say hi to baby Adonis,Apollo,and Cletus everyone👋

Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon