Chapter 17

4.7K 153 4
                                    

MAHIGIT isang buwan na din ang nakalipas mula ng mailabas ko sa mundo ang triplets at masasabi kong mahirap pero masaya iyon.

Andito nga kaming tatlo sa kwarto ko at nagtitigan buti na nga lang at walang umiiyak sa kanilang tatlo talaga nakatingin lang sila sa akin.

Nakahiga silang tatlo sa kama at sunod sunod ang ayos nila na ang una ay ang panganay na si baby Adonis pangalawa si baby Apollo at ang bunso sa triplets na si Cletus.

Sa lumipas na isang buwan na ding yun ay talaga naman nag aadjust pa ako nahihirapan at natataranta kasi ako kapag sabay sabay silang umiiyak at gustong magkarga.

Tinataas kasi nila ang mga kamay nila at dahil nga hindi ko naman sila kayang buhatin ay si Dad at Oli ang nagbubuhat sa kanila.

Kapag ganun ang sitwasyon ay si Cletus ang binubuhat ko wala naman akong favoritism sa kanila.

Mas malakas lang kasi umiyak at magwala si Cletus pag hindi siya ang buhat di tulad ng dalawa na ultimo nakikinig pag sinabi kong si Cletus naman ang aking bubuhatin.

Pero may time din na hindi sila nakikisama at umiiyak din kaya wala akong choice kundi ibaba si Cletus at buhatin si Adonis o kaya naman ay si Apollo.

Sa isang buwan na yun ay masasabi kong isa yun sa pinaka masayang mga araw ng buhay ko.

Bigla namang humagikgik si Adonis na siyang ikinatingin ko dito napangiti naman ako kasi ang cute niyang humagikgik pero hindi ko namana alam kung ano ang ikinatutuwa niya.

Maya maya ay may naamoy akong parang mabaho at biglang naiyak si Apollo kung kaya binuhat ko ito at chineck ang diaper.

Doon ko nakumpirmang siya ang naamoy ko kung kaya tinawag ko si dad at sinabing bantayan muna si Cletus at Adonis.

Sumangayon siya kaya naman pumunta na akong cr dun kasi ang palitan ko ng kanilang diaper hindi sa kama dahil nung dun ako nagpalit ay nagkalat sila kaya naman napagpasyahan namin na ilipat nalang sa banyo.

Habang nililinisan ko ng wipes si Apollo ay tahimik lamang siya at nakatingin sakin kaya naman nag make face ako para mapatawa siya at mukha namang epektibo dahil ito ay humagikgik.

Hanggang sa matapos ay humahagikgik lang siya na siyang ikinatuwa ko, lumabas na kami ng cr at bumalik kung nasaan pa ang dalawa.

Nakita ko naman silang mataamang nakatingin sa lolo nila at walang reaksyon ang mga muka tho hindi umiiyak pero hindi din tumatawa wala talagang reaksyon.

Ibinaba ko si Apollo sa gitna ni Adonis at Cletus na napatingin sa akin at ngumiti nagulat naman si dad sa ginawa ng dalawa at tinanong ako kung bakit sa kaniya ay walang reaksyon ang mha ito.

Sinabi kong hindi ko din alam,tinaas naman ni Adonis ang kaniyang munting kamay sa akin at biglang humikbi kaya nan binuhat ko ito at hinele nap time na kasi nila ngayon.

Ganun din ang ginawa ni dad ni kay Cletus at pumasok naman si Oliver dito na hindi ko napansing dumating pala at binuhat si Apollo.

Itutuloy.
❄️
Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon