Chapter 29

4.5K 143 11
                                    

TAHIMIK lang kaming nandito na ngayon sa kwarto at nagpapahinga pagkatapos maglaro at magswimming ng tatlo at hindi na rin kinibo ni Apollo ang ama.

Tahimik din ngayong nanonood ang triplets ng paborito nilang palabas, wala dito si Russell dahil may tumawag sa kaniya mula sa opisina nila.

Maya maya ay nagpaalam ako sa tatlo na maliligo muna pumayag naman ang mga ito kaya kumuha na ako ng damit mahirap nag lumabas ng naka twalya baka mamaya ay nandya na ang ama nila.

Habang naliligo ay iniisip ko ang mga ikinikilos ni Apollo siya lang naman kasi ang ilap sa ama hindi tulad ng dalawa na na attached na agad kay Russell.

Hindi naman ganun ang ugali ni Apollo kapag may bago siyang nakikilala pero ngayon ay iba ang ginagawa niya kaya naman nakakapagtaka.

Pagtapos kong maligo ay sa banyo na din ako nagbihis at lumabas na.

Naabutan ko naman na si Apollo nalang ang nanonood at wala na ang dalawa.

Tinanong ko naman siya kung nasan ang mga kapatid niya at sinabi niyang sumama kay Russell.

Tinanong ko din siya kung bakit siya ay hindi sumama pero nagkibit balikat lang ito at pinatuloy ang panonood.

Kaya naman lumabas muna ako ng kwarto at iniwan siya dun inaya ko naman ngunit ayaw talaga at sinabing tatapusin niya daw ang pinapanood niya.

Naabutan ko naman na sa may sala ang mag aama at nagkikilitian,tila naman natunaw ang puso ko sa aking nakita.

Pinagmamasdan ko pa ito ng makita ako ni Cletus at sinigaw ang 'Mimi' kaya naman napatingin din ang dalawa at umayos na ng upo sa sofa.

Lumapit naman ako dito at agad na yumakap ang dalawa at hinalikan ako sa pinsgi, si Adi at Cletus ang tinutukoy ko.

Maya maya ay nagsabi si Russell na gusto niya akong makausap ng masinsinan kaya naman iniwan muna namin ang dalawa sa sala at pumunta sa kusina mukha kasing seryoso ang pag uusapan.

"Anong pag uusapan natin?" napangiti ako sa isip ng hindi ako nautal pag ka tanong ko nun sa kaniya.

"I want to talk about Adonis." sabi niya kaya naman bumalik ang kaba ko ito na kasi at pag uusapan na namin ang tungkol sa sakit ni Adi.

"Fine, nalaman namin yun 3 years ago at sobra ang naging epekto sa amin nun lalo na sa tatlo dahil kahit ngumingiti ngiti yan si Adi ay mararamdaman mong may iniinda siya,at ako bilang ina niya ay nasasaktan kada daing niya kaya naman kahit ayoko kong iwan sila ay kailangan upang makapagtrabaho ako at makabili ng mga gamot niya." mahabang sabi ko dito.

"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa akin kung ganun." igting ang pangang sabi nito.

"May asawa ka at anak ayokong makasira ng pamilya at saka tinulungan namin kami ni Oli—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumabat ito.

"And Who's that Oli,lalaki ba yun?" kunot noong tanong nito kaya naman napakamot ako sa kilay.

"Oliver James Huxley, K-kaibigan ko siya ang tumulong samin siya din minsan ang nag aalaga sa tatlo pag umaalis ako para magtrabaho." saad ko dito.

"Pwes hindi mo na kailangan pa ang tulong niya, because I'm here Already ako na ang tutulong sayo sa inyo hindi mo na kailangan ang tulong ng Oliver na yon." galit pero mahinahon na sabi niya sa akin at umalis.

Itutuloy.
❄️
Comments and votes are highly appreciated :)
Also, try to read Betrayal Series.

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon