Chapter 20

4.6K 153 9
                                    

ISANG taon na ang lumipas at hindi naging madali para sa amin iyon, namatay si mommy ng biglaan.

Nalugi naman ang bussiness ni Daddy sa hindi malamang dahilan, ang suspect naman sa pagkamatay ni Mommy ay hanggang ngayon ay blanko pa.

Hindi na din kami sa mansyon nakatira at dito nalang sa maliit na apartment.

Kinuha na kasi ng banko ang mansyon dahil hindi na namin kayang bayaran ang mga utang ni dad.

Si Dad ngayon ay kasama namin wala na rin kaming kasambahay pero nasa puder pa din namin si nana dahil ayos lang daw na walang sweldo at nais niyang tumulong.

Si Oliver naman ay tinutulungan kami sa pangangailangan ng triplets
sobrang laking tulong din iyon para samin.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa din akong trabaho hirap din akong iwan ang tatlo dahil nagwawala sila kahit saglit lang na hindi nila ako makita.

Hindi ko din pwedeng iwan kay dad ang tatlo dahil maging ito ay naging alagain mula ng malugi kami.

Tulala na lamang ito sa isang tabi at pag kakausapin ay parang hind niya narinig.

Naiintindihan ko naman si dad, nawala ang bussiness na ipinundar niya at nawala din si mommy.

Kahit kasi hindi sabihin ni dad alam kong mahal niya pa din si mommy kahit na nagloko pa ito.

Sa ngayon ay nandito kami sa kwarto ng apartment may tatlo kasi itong malilit na kwarto na pwede sa tatlong tao.

Naglalaro ang dalawang babies ko sa lapag si Adonis at Apollo pero ang bundo ay nasa akin at ayaw lumayo.

Pansin ko din sa lumipas na isang taon ay sobrang attached sa akin ni Cletus, nagwawala siya pag hindi niya ako makita pag siya ay gigising hindi tulad ng dalawa na hindi naman umiiyak.

Ngayon ay nakasandal sa aking dibdib si Cletus habang nakatingin sa akin sinabihan ko na siyang maipaglaro sa mga kapatid niya pero ang sagot ay.

"No, no Cetus tay mimi!" palagi niyang sagot pag sinasabihan ko siya. (no, no Cletus kay mimi.)

Medyo bulol pa ang tatlo dahil isang taon palang sila pero nakakapagsalita naman na bulol nga lang pero cute naman

Napatingin naman ako sa dalawa na ngayon ay lumapit sa akin at nagulat ako ng tinutulak nila si Cletus pababa sa akin.

Hindi naman papatalo ang bunso at tinutulak din ang dalawa niyang kuya pinigilan ko na ito bago pa sila magkasakita.

"Babies stop bakit kayo nagtutulakan hmm?" masuyo kong tanong sa kanila.

"Mimi, mimi, i wat mimi!" at umiyak na nang tuluyan si Apollo hanggang sa umiyak na din si Adonis na ganun din ang gusto. (Mimi, mimi, i want mimi!)

Napatingin naman ako sa bunso na ngayon ay nakatingin sa akin,may halo g pagmamakaawa ang tingin na iyon ay niyang bitawan ko siya.

Napabuntong hininga naman ako dahil ganto lagi ang nangyayari gusto nilang buhatin ko silang lahat.

Inayos ko naman ang upo ni Cletus at kinuha si Apollo at inupo sa aking hita sunod si Adonis.

"Happy?" tanong ko sila sabay sabay naman silang mababait na tumango na nagpangiti sa akin.

Itutuloy.
❄️
Cuties
Sa tingin ninyo, magkakaroon kaya nag story ang triplets?

Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon