Chapter 38

4.3K 120 8
                                    

NGAYON ang araw na pupunta kami para magpasukat ng damit para sa kasal.

Nung una ay kumontra pa ako dahil masyadong mabilis pero kinausap ako ni Russell at sinabing tama na ang mga nasayang na panahon.

Kaya ito kami ngayon at naghahanda para sa pupuntahan namin.Kasama din namin ang triplets na ngayon ay nagkukulitan.

"Adi, Apollo, Cletus babies magbihis na kayo sige kayo malalate tayo hindi matutuloy ang kasal." pagkasabi ko nun ay tumigil ang tatlo at agad na agad na nagsipag ayos.

Takot din kasi silang hindi matuloy ang kasal kaya sumunod agad sila pagkasabi ko nun.

Kinunchaba yang mga yan ng ama nila na kapag hindi sila sumunod ay hindi matutuloy ang kasal,natakot naman ang tatlo kaya sumusunod na.

Nang matapos sa pag aayos ay lumabas na kami saktong pumurada ang sasakyan ni Russell.

Lumabas doon si Mang Jose, nauna na kasi dun si Russell.

Inalalayan ko na ang tatlo at agad na kaming umalis pagkapasok sa kotse.

"Mimi lapit na po kasal ninyo?" tanong ni Apollo habang nakatingla sa akin.

"Yes, baby "sabi ko naman dito.

Sumaya ang mukha nito at pumalakpak pa.Hindi ko talaga alam kung ano ang sinabi ni Russell sa mga yan at mas excited pa sila kesa sakin.

Maya maya ay nakarating na kami dun at nakita ko sa loob si Russell na naghihintay habang ang cellphone ay nasa tenga.

"Didi!" sigaw ng tatlo pagkababa kaya naman binaba ni Russell ang cellphond at napatingin sa amin.

Nakasuot ito ng Oxford Button-Down Shirt at pants naka shade din ito na lalong nagpagwapo dito.

Tumintigin tingin pa nga ang babae sa receptionist sa kaniya.

Binuhat naman niya ang dalawa habang si Apollo ay humawak lang sa damit niya.

Pumunta na din ako sa kanila at hinalikan ako sa noo ni Russell habang binuhat ko na si Apollo at sabay sabay na kaming pumasok sa loob.

Pagkapasok sa loob ay dumaan muna kami sa receptionist upang magtanong at pagkatapos ay sumakay nang elevator papunta kung saan ang sukatan.

Pagkarating namin dun ay binaba na namin ang tatlong bata at sinimulan na ang pagsusukat.

Kahit naman kasi triplets ang mga ito ay hindi sila pare pareho ng hugis ng katawan.

Naupo lang kami ni Russell sa mga sofa habang pinagmamasdan ang tatlong tahimik lang habang sinusukatan ng babae.

Pansin ko dun sa babae ay wala ang focus nito sa pagsusukat kundi kay Russell sa aking tabi habang nakasandal ang ulo sa aking balikat.

Nang gumalaw si Cletus na kanyang sinusukatan ay dun palang napabalik ang ulirat nung babae at inumpisahan na muli.Namamali kasi siya kaya ayan ulit siya.

Pagkatapos ni Cletus ay sumunod na si Adonis na tahimik lang din hanggang sa matapos at sumunod na si Apollo na nakatingin sa amin.

Nag approve sign ako dito kaya napangiti ito at nagpasukat na.

Pagkatapos ng tatlo ay ako naman ang nagpasukat at kung makatingin ang babae sa akin ay kala mo ay may ginawa akong mali dito.

"Aray!" napaaray ako dahil ang higpit niya magsukat na talaga namang nakakasakit na kaya naman pinangunutan ko ito ng noo at sinabing masikip.

"Antaba ninyo na kasi maam." kimeng sabi nito na lalong nagpakunot sa aking noo.

"What did you say?" kunot noong tanong ko dito.

"Ang sabi ko po ay ang tab— ay sorry po maam sorry po wag ninyo nalang po intindihin ang sinabi ko." sabi nito at inayos na ang pagsusukat sa akin.

Itutuloy.
❄️
Try to read my other stories ☺️

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon