Chapter 23

4.5K 143 8
                                    

HANGGANG ngayon ay hindi pa namin nahahanap si daddy at sobra na akong nagaalala pati nga ang tatlo ay makikitaan mo din ng pag aalala ng malaman nilang nawawala ang lolo nila.

Sa ngayon ay nandito kami sa maliit na sala ng apartment at nag papaplano kung pano mapapadaling mahanap si Dad.

Nandito din ang triplets kahit sinabihan ko ang para sa matatanda ang pag uusapan pero sadyang makukulit at sinagot akong gusto din nilang tumulong.

Pinabayaan ko nalang at ngayon nga ay katabi ko sa sofa ang triplets na akala mo ay matatanda dahil nakikinig talaga sila sa sinasabi ni Oliver.

Nang matapos ang usapan na paghahanapan kung saan man pumunta si dad ay nagsiayos na kami hindi na din namin isasama pa ang triplets dahil kahit alam kong gusto nila ay hindi pwede baka sila pa ang mawala.

Nakapagbihis na kami ni Oliver may damit naman kasi siya dito kaya nagpaalam na kami si nana ang bantay sa tatlong malulungkot ang itsurang nakatingin sa akin.

Gusto ko man pero hindi pwede mapapatagal lang kami.

Palabas na sana kami ng apartment ng biglang humarang si Anthony at sa likod niya ay ang taong hinahanap namin.

Naestatwa ako habang nakatingin sa likod niya kung nasaan nandun si dad na tulala lang na nakatingin sa kawalan.

Nang bumalik sa ulirat ay agad agad ko itong yinakap tumabi naman si Anthony at Oliver.

Umiiyak ako habang yakap yakap ang aking amang ngayon ay walang reaksyon.

Yakap ko pa din si Dad nang may maramdaman akong yumakap din dito pagyuko ko ay nakita ko ang triplets na ngayon ay nakayakap sa tuhod ng lolo nila.

Umiiyak din sila tulad ko at alam kong hindi dahil sa umiyak din ako kung dahil sa namiss nila ang lolo nila.

Nandito na kami ngayon sa loob ng apartment kasama si Anthony na ngayon ay tahimik na nakatingin sa akin.

Ang triplets ay nasa kwarto ni Dad kasama nila dun si nana muka ngang binabantayan ng tatlo si dad natakot na atang umalis ito.

"Anthony, gusto kong magpasalamat sayo dahil nakita mo si Dad at binalik mo dito, gusto ko ding humingi ng tawad dahil hinusgahan agad kita." sinsero kong sabi kay Anthony na ngayon ay tumatango tango sakin.

"Ayos lang ganyan talaga ang forst expression sa akin ng mga bago kong nakikilala. Sanay na ako, at walang anuman sana ay wag na muling mangyaring mawala ang daddy mo." sagot naman niya sakin.

Pagkatapos nun ay umalis na siya dahil may pupuntahan pa daw siya, mukha yatang naistorbo pa siya.

Pumasok naman ako sa kwarto kung nasaan sila dad at nakikita kong nanonood ang mga ito nagulat pa nga ako dahil maging si dad ay nakatingin din sa cellphone.

"Celeste sa tingin mo,dito nalang kaya ako tumira?" tanong ni Oliver na nagpagulat sa akin.

"Nahihibang ka na ba?aksidente lang naman ang pagkawala ni dad at saka masikip na dito wala ka nang pupuwestuhan dito,itigil mo yang iniisip mo." seryoso kong sabi dito.

Nagkibit lamang ito ng balikat at tumingin sa mag lololong nanonood ng cartoon sa cellphone.

Itutuloy.
❄️
Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon