Chapter 32

4.4K 127 3
                                    

MAG IISANG BUWAN na kami dito sa pinagdalhan sa amin ni Russell, at sa isang buwan na iyon ay sumumpong nanaman ang sakit ni Adonis.

Dahil dun ay dinala namin siya sa hospital at hanggang ngayon ay nandito pa kami halos isang linggo na din.

Marami ring aparatos ang nakalagay kay adi na siyang nagpasakit sa akin.

Hindi na din namin sinama pa ang dalawang bata dahil hindi magiging maganda ang epekto sa kanila na makita ang kanilang kapatid na nasa ganung sitwasyon.

Sa ngayon ay ako ang nagbabantay dito kay Adi sa private room ng hospital, si Russell ay bumili muna ng makakain at para na din daanan ang dalawa.

Si Oliver kasi ang nag aalaga sa mga ito matapos maospital si Adi.

Si dad din ang isa pa sa iniisip ko bigla na nalang kasi ito umiiyak at hindi naman nagsasalita pagkatinatanong.

Gusto ko sana din itong dalhin sa hospital ngunit lalo lamang itong umiiyak kaya naman pinabayaan na muna namin at pinababantay nalang kay nana.

"Mimi." rinig kong sabi ni Adonis kaya naman napatingin ako dito.

"Why baby hmm?" masuyo kong tanong dito habang hinihimas ang buhok niya.

Pero bigla itong umiyak kaya naalarma ako tatawagin ko na sana ang doctor pero hinawakan ako nito sa kamay kaya napabalik ako dito.

"Mi-mi d-don't lea-ve m-me." paos nitong sabi kaya naman hinalikan ko ang noo nito at pinatahan.

"Adi, baby lalaban ka ha wag ma papatalo sa sakit mo hmm baby lalaro pa kayo ng mga kapatid mo pati ng didi mo right diba baby Adonis baby." naiiyak na sabi ko dito.

Hinang hina na kasi ito at gusto ko man tawagin ang doctor at ayaw naman niyang maiwan ko kaya naman kinakausap ko nalang ito.

Hindi na ito nagsalita at nakatingin lang sakin kaya hinahalikhalikan ko nalang ang kamay nito hanggang sa bumukas ang pintuan kaya napabaling ako doon.

Nakita ko si Russell kasama si Oliver at ang dalawa,si Apollo at Cletus.

"Mimi!" tawag ng dalawa at agad na yumakap sa akin.

Si Russell ay hinalikan ang noo ko pero hindi ko na yun binigyan pa ng pansin at tumingin kay adi.

Napatingin din ang dalawang bata sa kapatid at agad humawak sa kamay nito.

Ngayon ay kinakausap na ni Oliver at ng dalawang bata si Adonis habang si Russell ay nakatingin lang dito.

Nakikita ko sa mga mata ni Russell ang awa at sakit habang nakatingin ito kay Adi na ngayon ay payapa nang natutulog.

Maya maya ay pumasok ang doctor at tinignan ang kalagayan ni adonis.

Sabi din niyang kailangang niyang makausapa ng isa sa amin kaya naman ako nalang ang nagprisinta.

Lumabas na kami ng doctor at pumunta sa isang sulok at doon niya sinabi ang mga tungkol kay Adonis.

"Miss Merden, I'm sorry to say this but, Your son Adonis is really suffering now, at kung hindi pa maooperahan sa lalong madalonh panahon ay maaari itong humantong sa kamatayan." saad nito na nagpaiyak sa akin.

"Please excuse me." sabi nito pagkatapos niyang sabihin ang lagay ni adi.

Bagsak naman ang aking balikat na bumalik sa kwarto kung nasaan si Adonis.

Nakita ko naman itong parang may hinahanap umiiyak din ito at pinapakalma ng ama at mga kapatid ngunit hindi pa din tumitigil.

"Shh tahan na baby daddy's here oh don't cry na andito din si Apollo at Cletus oh kaya stop crying na baby." saad ni Russell dito habang pinipigilan itong bumangon.

Kaya naman dali dali akong lumapit at nang makita ako ni Adonis at agad nitong tinaas ang kamay na waring nagpapabuhat.

Inayos ko naman muna ang upo niya bago siya sinandal sa aking dibdib at tumahan na din ito.

Maya maya ay nakatulog na din ito habang nasa aking mga bisig.

Nakatingin lang nama ang apat na lalaki sa amin at nakahinga ng maluwag dahil tumahan at nakatulog na si Adi.

Narinig naman naming tumunog ang cellphone ni Oliver kaya napatinhin kami dito.

Agad niya din naman sinahot dahil baka magising pa si Adi sa ingay nun.

Lumayo ito ng kaunti bago sinagot ang tumatawag bunalik naman ang tingin ng tatlo kay adi na nakahawak pa ang kamay sa ang aking damit.

Ganto din siya noong baby pa sila pag hawak ko siya ay talaga humahawak ang kamay nito sa aking damit.

Napatingin naman kami kay Oliver nang lumapit ito at mukang balisado.

"Celeste y-your dad." paunang sabi nito na nagpakaba sa akin.

"Anong nangyari Oliver?" tanong ko agad dito.

Itutuloy.
❄️


StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon