Chapter 30

4.5K 162 7
                                    

MATAPOS ang pag uusap namin ni Russell ay hindi niya na ako muling kinibo at nakatuon lang ang atensyon sa mga bata.

Si Apollo ay ilap pa din sa kaniya pero matiyaga naman niya itong kinakausap kahit parang hangin lang siya dito.

Sa ngayon ay nandito ako sa kusina at nagluluto ng tanghalia namin.

Pagtapos kong maluto ang adobong baboy na paborito ng tatlo ay tinawag ko na sila at sabay sabay na kaming kumain.

Ganadong ganado kumain ang tatlo pati na si Apollo mukang hindi na siya nahihiya kay Russell pag kumain nung nakaraan kasi ay hindi ito ganado.

Pinunasan ko ang bibig ni Cletus na masagana pa ding kumakain ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ang tatlo para makaligo nakapagpahinga na din naman kami pagtapos kumain kaya pwede nang maligo.

Maaga ko talagang pinapaligo ang triplets dahil natutulog sila ng ala una ng hapon, sila na din ang naliligo sa sarili nila at hindi na kailangan pang tulungan.

Pero pag alam kong hirap sila ay tinutulungan ko naman ang mga ito.

Umakyat na din ako sa kwarto pagtapos kong maghugas ng pinagkainan namin.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagtatawanan ang mga ito pagtapos nga pala namin kumain ay nagpaalam si Russell na dadaan muna sa companya niya may importante atang gagawin.

Engineer pa din kasi siya hanggang ngayon at balita ko ay sa kanya ang firm na iyon, may bago din silang client nabanggit niya kanina.

Kinantahan ko ang tatlo at nagkuwentuhan saglit bago sila makatulog.

Sinigurado ko munang hindi sila mahuhulog sa kama bago ako lumabas ng kwarto upang maglinis ng katawan.

Habang naliligo ay iniisip ko si Russell.

Pagtapos kong maligo ay narinig kong tumutunog ang aking cellphone na nakalagay sa side table ng higaan kaya naman hininto ko muna ang paglolotion at sinagot ito.

Si Oliver pala ang tumatawag at pang lima niya na itong tawag hindi ko kang nasagot kanina dahil ako ay naliligo.

Kaya naman sinagot ko na agad ang gawag ni Oliver marahil ay may importanteng sasabihin.

"Celeste,thank God at sinagot mo din kanina pa ako tumatawag safe ba kayo?" tarantang paunang sabi ni Oliver pagkasagot ko ng tawag.

Sinabi ko naman sa kaniya na naligo ako kaya hindi ko nasagot ang mga tawag niya at sinabi ko ding safe naman kami.

Sinabi niya lang na kung pwede ay magkita kami pero hindi ako pumayag dahil walang magbabantay sa triplets ngayong wala din ang ama nila.

Kaya naman napagpasyahan naming pumunta nalang siya dito para din makita niya ang triplets sabi niya ay miss niya na daw ang mga ito.

Pagbaba ng tawag ay agad ko nang tinapos ang paglolotion at agad ding nagbihis baka kasi biglang dumating agad si Oliver.

Sumilip muna ako sa kwarto ng tatlo at nakita ko namang mahihimbing pa ang mga tulog ng mga ito kaya naman bumaba na ako upang maghintay kay Oliver.

Sinabihan ko din naman si Russell na papapuntahin ko ngayon dito si Oli pero hindi siya sumagot sa tingin ko ay busy pa ito sa firm nila kaya naman hindi na ako nagtext muli.

Maya maya habang naghahanap ako ng pwedeng mapakain kay Oli sa red ay may bumusina sa labas kaya naman lumabas na ako tingin ko ay si Oliver na ito kaya naman binilisan ko ang paglalakad.

Ngunit napakunot ang aking noo ng kotse ni Russell ang mabungaran ko pag dating ko sa gate.

Kahit na nagtataka kung bakit andito na siya ay binuksan ko pa din ang gate, wala kasi ang katulong ngayon.

Paglabas ni Russell ng kotse ay nagulat pa ako ng lumapit ito sa akin at hinalikan ang noo ko.

Tinulak ko naman siya agad nang ako ay mabalik sa wisyo.

"A-ano ba." utal kong sabi dito sabay layo siya naman ay napatawa at sinabing pumasok na kami sa loob.

Pagkapasok namin ay naupo ito agad sa sofa kaya tinanong ko na ito kung bakit nandito na siya sabi niya kasi kanina ay baka gabihin siya.

"Nag text ka sakin diba,sabi mo dadating dito ang kaibigan mo kaya naman minadali ko na ang meeting para na din makikilala ko siya." sabi nito na nagpamangha sa akin ngayonang kasi siya nagtagalog ng Straight.

Napatango nalang ako sa sinabi niya at uupo na sana ng biglang may bumusina sa labas ngayon ay alam ko nang si Oliver ito.

At tama nga ako dahil kotse niya yun.

Agad kong binuksan ang gate at paglabas niya ng kotse ay agad niya akong niyakap.

Halos isang linggo din kasi kaming hindi nahkita at normal na sa amin ang magyakapan tuwing bumabalik siya at magkikita kami.

Naputol lang ang pagyayakan namin ng may biglang malakas na umubo kaya tinignan ko si Russell na ngayon ay madilim ang tingin at nakaigting ang pangang nakatingin sa amin.

Itutuloy.
❄️
Happy 1k reads🥳tysm for reading this.

Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon