Chapter 33

4.2K 136 9
                                    

"MAAYOS na ang lagay ng pasyente for now ay need lang niya magpahinga." sabi ng doctor paglabas ng silid kung nasaan si dad.

Kaya naman kasi balisado si Oliver ay sinabi pala ni nana na nagtangkang magpakamatay si dad kung hindi niya lang ito nakita.

Sa ngayon ay maayos na ang lagay niya at nagpapahinga nalang nagwala din kasi ito matapos pigilan ni nana.

Umiiyak si nana ng puntahan namin ni Oliver siya ang kasama ko para puntahan sila.

Si Russell naman ang nagbabantay sa mga bata.

Pumasok na ako sa loob ng silid kung nasaan si dad at napabuntong hininga dahil hindi ko alam bakit niya ito ginagawa.

Sabi ng doctor ay baka daw nalulungkot ang daddy kaya niya ito ginagawa pero lagi naman kaming nagkakausap sa pamamagitan ng laptop na pinahiram ni Russell.

Lagi ding kinakausap ni nana ang daddy kahit wala itong respond.

Hinaplos ko ang noo ni daddy habang iniisip ang mga posibilidad kung bakit niya ito nagawa hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto.

Napatingin ako dun at nakita ko si Russell kasama si Cletus at Apollo na nakatingin kay dad.

Mabilis na lumapit ang dalawang bata at pumunta sa lolo nila at humawak sa kamay nito.

Napatingin naman ako kay Russell na tumabi sa akin,nakatayo lang siya dahil isa lang ang upuan dito.

"Sinong nagbabantay kay Adonis kung nandito ka?" mahina kong tanong sa kaniya.

"Don't worry binabantayan siya ni nana" sagot nito.

Napatango nalang ako at bumalik ang paningin sa dalawang bata na ngayon ay nagsisimula nang umiyak.

Kaya naman pinatahan ko na agad ito bago pa ito umiyak ng tuluyan.

"Shh babies your lolo is just sleeping don't cry na." sabi ko sa mga ito na tumingin sa akin ay yumakap.

Hinaplos ko naman ang likod ng dalawa na ngayon ay mahinang humihikbi.

Pagkatapos umiiyak ng dalawa ay nakatulog ang mga ito sa aking bisig kaya naman nilipat ito ni Russell sa sofa at dun pinatulog.

Bumibili ako ngayon ng pagkain para sa amin magpapasama sana ko kay Oliver pero hindi ko alam kung nasaan ito kaya naman ako nalang mag isa ang bumili.

Pabalik na ako sa hospital dala ang mga pagkain nang makasalubong ko si Oliver na may kasamang mas matangkad na lalaki.

Medyo nagulat pa si Oli pero agad din nakarecover at tinulungan ako sa aking mga bitbit ang kasama naman niyang lalaki ay ni hindi ako tinignan.

Gwapo ito may kaunting hawig kay Oli pero asul ang mga mata wari ko ay pinsan niya ito.

"Celeste bakit wala kang kasama hindi ka man lang tinulungan ng Ricadalgong iyon?" medyo galit na sabi ni Oliver.

"No, binabantayan niya kasi ang mga bata." sabi ko naman dito.

Napatango naman siya at tumingin sa kasama niya.

"By the way this is Zyair my half brother, Zyair meet Celeste my Friend" pakikilala niya sa amin.

Naglahad naman ako ng kamay dito pero hindi niya ito tinanggap at tinignan lang kaya naman napapahiyang binaba ko nalang ang aking kamay.

Itutuloy.
❄️
Meet Zyair everyone and HAPPY BIRTHDAY TO ME!



StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon