Chapter 24

4.5K 135 10
                                    

TATLONG taon ang mabilis na lumipas at ngayon ay apat na taon na ang aking mga munting anghel.

Hindi naging madali ang tatlong taon na yun dahil mas lalong lumala si dad nung malaman at makulong na ang may kagagawan ng nangyari kay mommy.

Nahuli na at ngayon ay napaprusahan na sa kasong murder and lalaki ni mom na si Henry Santos Nangyari iyong dalawang taon na ang lumipas.

Ayos na sana ang lahat kung hindi lang nangyari ang trahedyang hanggang ngayon ay parang bangungot sa amin.

Tatlong taon nang malaman naming mahina ang puso ni Adonis.

Akala namin noon ay simpleng lagnat lang yon ngunit ng ipasuri na namin siya sa doctor at gumawa ng iba't ibang mga test, dun namin na nadiskubre.

Isang linggo din ang tinagal ni adi sa hospital dahil sa hirap siyang huminga dahil nga sa kaniyang sakit.

Masakit para sa akin ang malaman at makita ang anak kong nahihirapan.

Pero si Adi ay kahit may iniindang sakit ay ngumingiti pa din siya.

Ang dalawa namang si Cletus at Apollo ay mahahalata mong malungkot kahit naman kasi hindi nila sabihin sa akin alam kong naawa din sila sa kapatid nila.

Minsan nakikita ko ang dalawa na pumupunta sa kung nasaan ang panganay na si Adonis,nakikita ko kung pano sila lumuha at hawakan ang kamay ng kapatid nila.

Pero kapag tinatanong ko sa kanila ay ngumingiti lang sila.

At dahil nga sa sakit ni Adi ay maraming bawal sa kaniya.

Bawal ang maalikabok at maduming paligid dahil macacacause yun ng hirap sa kaniyang paghinga,bawal fin siyang mapagod dahil nga sa mahina ang kaniyang puso.

Kaya ngayon ay hindi siya makapaglaro ng mga gusto niyang laruin na sadyang nakakapagod.

Ngayon ay nandito kaming apat sa kwarto nanonood ng tv.

Pinagmamasdan ko ang triplets na nonood ng cartoons,hindi na kami sa apartment tumira dahil hindi namin maiiwasana ng dumi doon kaya naman binilan kami ni Oliver ng condo kung saan ay spacious at malinis.

Nahihiya pa nga ako sa kaniya nung una pero he insist sabi niya ay para na din daw sa kalagayan ni Adi.

Minsan ay sinusumpong si Adi ng sakit niya, sumasakit ang dibdib at sobrang hirap huminga.

May gamot namab siya para dun at kapag siya ay nakakainom umaayos na ang pakiramdam niya pero hindi biro ang presyo ng mga iyon.

Kaya naman nagtatrabaho ako sabado lang ngayon at wala akong ibang racket.

Minsan kasi ay buong linggo ako nagtatrabaho hindi lang kasi gamot ni Adi ang kailangan kong bilin kundi gamot din ni daddy at ibang vitamins ng dalawa.

Aaminin kong mahirap ang kinalalagyan namin ngayon minsan nga e naisip kong humingi ng tulong sa ama nila.

Pero natatakot naman akong makasira ng relasyon,kasal na kasi tatlong taon na ang lumipas su Russell sa kaniyang asawa na si Camille at may anak na din silang batang babae.

Alam ko ang lahat ng iyon dahil ibinabalita yon dahil nga sa kilala silang pamilya.

Kaya gusto ko man humingi ng tulong niya ay may pumipigil sa akin yun ay ang konsensya.

"Mimi i want pasta po." rinig kong sabi ni Cletus sa gilid ko kaya naman tinignan ko ito at nginitian.

"Okay baby, how about you Adi and Apollo do you also want pasta?" tanong ko sa dalawa dahil minsan ay hindi sila nagsasabi.

Tumango tango naman ang dalawa kaya naman binilinan ko muna ang mga ito at sinabing magluluto ako sa kusina.

Itutuloy.
❄️
Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon