Chapter 14

4.7K 185 6
                                    

PAGKATAPOS magpakilala ni oli ay nagkuwentuhan na kami tungkol sa buhay ng isa't isa, magaan kasi ang loob ko sa kaniya kahit na hindi ko siya lubusang kilala.

Masaya ako habang kausap ko siya hanggang sa tinanong niya kung nasaan ang ama ng triplets.

Nawala ang ngiti ko dahil marahil ay napansin niya kung kaya't iniba niya agad ang usapin at dahil dun ay naging komportable muli ako.

Masaya pa kaming nagkukuwentuhan ng biglang tinawag na kaming parehas ni dad upang makapag meryenda.

Tumayo na kami at pumunta sa garden doon kasi kami magmemery-
yenda doon ko pinili dahil nga sa paborito ko itong lugar.

Habang kumakain at paminsan minsang sumusulyap sa akin si oli na siyang ipinagtaka ko.

Kung kaya naman ng hindi na ako nakatiis ay tinanong ko na siya.

"Bakit ka tingin ng tingin sa akin Oli?" tanong ko sa kaniya napatingin naman si dad sa kaniya na siyang kasabay din naming magmeryenda.

"Oh sorry Celeste did you feel uncomfortable with my stares?" nahihiya niyang tanong.

"Hindi naman nagtataka lang ako, o baka naman nagagandahan ka lang sakin nako ah." natatawa kong saad sa kaniya na nagpangiti dito.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa sala dahil medyo makulimlim na at nagbabadya na ang ulan.

Habang nasa sa sala ay nagkuwentuhan ulit kami ni oli pero ngayon ay kasali na si dad.

Kinukuwento niya ang mga kabaliwang ginawa ko nung bata pa ako.

Natatawa naman si oliver kahit na tinitignan ko na siya ng masama.

Pinapakita din kasi ni dad ang mga baby pictures ko na mukha akong bruha dahil kalat kalat ang buhok ko sa mukha ko.

Naiinis ko namang kinurot si Oli sa braso na siyang nagpatigil sa kaniya sa pagtawa at tinignan ako na parang kagulat gulat ang ginawa ko sa kaniya.

"Nakakainis ka na Oliver James ha, makatawa ka akala mo naman maayos ang mga baby pictures mo." naiinis kong wika sa kaniya na nagpahalakhak sa kaniya.

"Chill Celeste natatawa lang naman ako sa kacutan mo hindi dahil dahil—" hindi niya matapos tapos ang sinasabi niya dahil natatawa nanaman siya.

"Oliverrrrrr!" inis na wika ko at sinabunutan siya.

Natatawa namang tumayo si dad at pinigilan akong sabunutan pa si oli naiinis naman ako g bumitaw na sa natatawa pa ding oliver.

"Afiya stop baka maipit ang mga apo ko, remember you're pregnant"
kunwaring ikstriktong sabi ni dad pero ang totoo ay natatawa din siya sa amin.

Napahawak naman ako sa tiyan ko at muntik ko nang makalimutan na may mga buhay nga pala dito sinabihan din kasi ako ng doctora na iwasan maipit dahil nakakasama sa kanila iyon.

Nanahimik nalang ako tinignan ng masama si Oliver na ngayon ay nagpipigil na ng tawa.

Pagkatapos ng pang aasar ni oli ay umuwi na din siya hinatid namin siya ni dad sa sasakyan niya.

May kailangan pa daw kasi siya gawin at dapat ay saglit lang siya dito ngunit dahil napasarap ang aming asaran at kwentuhan ay nakalimutan niyang kailangan na pala niyang umalis.

Itutuloy.
❄️
Thank you!for 300+reads and votes/comments,i really appreciate it. Hindi ko nga akalain na may magbabasa nito so thank you to all the readers, out of boredom ko lang naman to kaya ginawa so yun Thank you again.💙

Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon