Chapter 25

4.5K 135 11
                                    

PAGKATAPOS kong magluto ay tinawag ko na ang tatlo at pinaghainan.

Tinawag ko na din sila nana kasama si dad ayun na ang magiging hapunan namin ngayon.

Pagkatapos kumain ay pinalinis ko na ang kanilang mga katawan ang triplets marunong na naman sila kahit walang tulong ko.

Tinuruan ko na sila habang maaga gusto ko kasing matuto sila kahit bata pa lamang.

Lumipas ang isang linggo at nandito muli si Oliver at may dalang mga pasalubong sa triplets.

Tuwang tuwa naman ang mga ito dahil bukod sa pasalubong ay nandito ang paborito nilang tito.

"Celeste can we talk?" tanong sa akin ni Oli nang mapagisa kami,nandito kasi ako sa kwarto at nag lilinis ang mga bata ay nasa hapag at kumakain.

Tinanguan ko naman si Oliver at umupo kami sa kama.

"Nakita ko si Russell" paunang sabi niya na nagpahinto sa akin.

Bumuntong hininga siya "Nagkausap din kami at at—" hindi ko alam kung bakit hindi matuloy ni Oliver ang kaniyang sasabihin tila hirap na hirap kasi ito.

"Ngayon lang ako kinausap ng Ricadalgo na yon at nagulat ako sa sinabi niya sakin,Hinahanap ka niya Celeste." saad ni Oliver.

Hindi naman ako makapagsalita sa sinabi niya at nanatiling tahimik.

"H-hindi lang ikaw ang hinahanap niya,Hinahanap niya din ang triplets, binalaan niya ako nakatikim pa nga ako ng suntok sa kaniya."

"Sabi niya ay sabihin ko daw sayo ayoko sana itong sabihin pero Celeste he knows alam niya ang kalagayan ni Adi at gusto niyang tumulong."

"H-hindi ko alam Oliver at isa pa may sarili na siyang pamilya diba bakit bakit gusto niya pang mangialam ngayon." nanghihinang sabi ko dito.

"Celeste ako man ay ayaw din pero para din naman ito sa kalusugan ni Adi, hindi ka na mamomoblema sa gastusin at karapatan din naman yun ni Russell bilang ama ng triplets." paliwanang niya sakin.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang mga sinabi ni Oli.

Gabi na at tulog na ang tatlo pati sila dad ako nalang talaga ang gising hindi kasi ako makatulog.

Hindi ko alam kung ano ang magiging tugon ko dun pagtapos kasi ng paguusap namin ni Oli ay hindi na ako nakasagot pa.

Kinabukasan ay may hindi inaasahang bisita ang nandito ngayon sa condo.

"Anthony anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Anthony na ngayon ay nasa tapat ng pinto narinig ko kasing tumunog ang doorbell kaya naman binuksan ko ito at siya ang bumungad sakin.

"Magempake na kayo at aalis tayo." walang emosyong sabi nito at pumasok sa condo.

"T-teka naman san ba tayo pupunta?" Tanong ko habang sinusundan siya.

Humarap naman siya sa akin at sinabing

"Kay Russell."

Itutuloy.
❄️
Comments and votes are highly appreciated :)

StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon