Chaptah Tuwenti-wan

5 0 0
                                    

Help~



"Grandpa,"

Tawag ni Xavier sa kanyang lolo na nakatingin lang sa'min nang diretso. He then, went near him and hugged him lightly.

Ako naman, kahit 'di malaman ang gagawin, I greeted him.

"Your majesty," sabi ko sabay yuko.

For the second time, I was embarrassed in front of the most powerful person in Acelatoria. Gusto ko na lang lamunin ng lupa! Hayst!

"Let's talk in the dining area." sabi ng kamahalan sabay buntong-hininga. It made me nervous! Pag-uusapan ba namin ang tungkol sa misbehaviors namin ni Xavier? Kasalanan 'yon ng apo niya!

Tahimik kaming sumunod sa likuran ng kamahalan. Pagkalabas namin ng study ay nakita ko si Sgt. Harvey at Celeste na nakatayo sa labas ng aking kuwarto. Nang madaanan ko sila ay sinabihan kong sumunod sila sa'min.

Nagpahuli at tumabi ako kay Celeste. I clung onto her arms. Lumingon sa'kin si Xavier while his brows are furrowed. He shifted his gaze to Celeste and the latter stooped down her head.

Namumula pa rin naman ang pisngi ni Celeste pero hindi na masyado katulad kahapon. Ang sugat naman sa labi niya ay natuyo na.

It took us minutes bago makarating sa dining area. Pagpasok namin doon ay una ko agad napansin ang pagmumukha ni Greg at ang kamay niyang kumakaway sa'kin. He's sitting on the right side of the table samantalang sa kabilang banda naman ay naka-upo si Nebula, Xanthal, at ang asawa pala nitong si Lt. Lorius.

Bumitaw na 'ko kay Celeste and she went in the sides with Sgt. Harvey. Nandoon din sa gilid sina Mr. Lincoln at Sore eyes.

Naupo ako sa tabi ni Greg at si Xavier sa tabi ng Lolo niya na nasa gitna. Like before, pinagigitnaan ako ng magpinsan.

"Hey lods," bati ni Greg.

"Hi," mahinang bati ko rin sa kanya dahil ang tahimik ng lahat habang nilalagay ng Chefs ang mga pagkain sa lamesa. Chef Justine is not one of them.

"I heard about what happend last time. Are you okay, Clards? Sorry, I'm busy that I haven't checked on you sooner." he said, genuinely concerned.

"It's fine! And tell me, do I seem not okay to you?" natatawang sabi ko.

He chuckled a bit also. "Well, yeah, you look so much okay. Blooming ka pa nga ngayon."

"H-Huh? Hindi kaya."

"Hmm, nagkakamabutihan na ba kayo ng pinsan ko, ha?"

"H-Hindi 'no! He's still a spoiled brat to me!"

"Ehem," pagtikhim ng kamahalan. Napalakas ata boses ko. Si Greg kasi!

"'Yun oh, defensive." Greg grinned at me. Ugh! Ang hilig talaga nitong inisin ako!

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil baka kung ano pa magawa ko, but I regretted it because I saw how Xavier furrowed his brows at me.

"I'm not a brat." madiin na sabi niya.

"Yes, yes, yes. Of course, hubby. I'm just kidding." pinisil ko nang mahina ang pisngi niya habang pilit na nakangiti.

Siya naman ngayon ang umiwas ng tingin at nakipagtitigan sa ate niya.

"Let's eat now, everyone." anunsiyo ng kamahalaan.

Nagsimula na nga kaming kumain at katulad noon, habang kumakain kami ay nagsimula ng usapan ang kamahalaan.

Planet AcelatoriaWhere stories live. Discover now