Chaptah Tuwenti-fouh

4 0 0
                                    

Caught~




"Oh, Clard! 'Andyan ka pala!"

Bati ni Zain nang makarating ako sa dining area.

Pagkalabas namin ni Xavier sa dungeon, sinabi niyang mag-almusal na daw kami kaya dumiretso kami dito.

I found my two friends sitting adjacent to the place where I usually sit. Mukhang kakagising lang nila. Zain is even wearing pajamas while Kiefer has a sweat shirt on and pajama pants also.

Umupo ako sa tabi ni Zain while as usual, Xavier is at the center of the table.

"Hoy, Clards ang gwapo nung kasama mo. Pwede akin na lang?" sabi ni Zain saka ako siniko paulit-ulit.

"Hindi."

Inirapan niya ko. "Damot mo naman."

Aba, kaibigan ko ba talaga siya? Aagawin niya pa asawa ko! I mean, hindi naman kasi siya pwede kay Xavier dahil hindi naman siya alien katulad ko. Pero kung pwede lang, I would willingly donate Xavier to her!

Maya-maya pa ay lumabas si Chef Justine kasama pa ang ibang chefs mula sa kitchen area.

Agad akong nginitian ni Chef at gano'n din ang ginawad ko sa kanya.

"Hi, Miss Clardia," bati niya nang may nilagay na putahe sa harap ko.

"Hello, Chef," bati ko rin.

Sunod naman siyang lumapit sa gilid ni Zain upang may ilagay din na pagkain sa tapat niya.

"Hi, Miss pretty gorgeous," todo ngiting sabi ni Chef sa kaibigan kong namula agad ang pisngi.

"H-Helle, pretty handsome Chef," maharot na sabi ni Zain sabay lagay ng takas niyang buhok sa likod ng kanyang tenga.

Nginitian ulit siya ni Chef bago umalis.

"Ouch!" daing ko nang may kumurot sa aking tagiliran. Napalingon tuloy sa'kin si Xavier samantalang si Kiefer ay dinedma lang ito.

"What happend to you?" tanong niya.

"A-Ah nothing. A flirty mosquito just bit me." Xavier furrowed his brows, but later on ignored me.

"Clard... pati Chef dito ang pogi! Kita mo 'yung Chef kanina? He looks so cute! May dimples pa siya sa magkabilaan niyang pisngi! Si Kiefer isa lang pero sa kanya dalawa!" Zain said in a high-pitched voice. Halatang nagpipigil kiligin.

"Why is my name suddenly involved, girls?" tanong ni Kiefer. Akala ko ay wala pa rin siya sa sarili pero mukhang okay na siya.

"Hindi pa rin daw maka-move on sayo si Zain, Kief." natatawang sabi ko.

"Excuse me! Matagal na 'no! Over na 'ko sayo! I realize na maraming naghahabol sa kagandahan ko kaya bakit naman magpapakahirap pa 'ko sa identification test kung pwede namang multiple choices?" Zain smirked.

"Bakit ako walang choices? I think mine is an identification one. But luckily, I just found the perfect answer after a long time." Kiefer said habang nakangiti na tila nagde-daydream.

Planet AcelatoriaWhere stories live. Discover now