Chaptah Tuwenti-siks

6 0 0
                                    

Inconsistent~





"Hoy, Clardia gising na!"

Naalimpungatan ako sa sigaw ni Zain at pag-alog niya sa'kin. Nang magmulat ako ng mata ay agad akong nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana.

"Ano ba, Zain? Natutulog pa 'ko..." I groaned and closed my eyes again to sleep.

"Alas-otso na po kaya, madam! Gumising na po kayo!"

"Alas-otso... are you kidding me? Six pa lang, Zain. Huwag mo 'kong lokohin."

"Aba't mukhang na sweet dreams ka talaga ah, Clardia Halley."

Napabalikwas ako nang tayo dahil sa sinabi ni Zain. Pagkamulat ko ay tumambad sa'kin ang nang-aasar niyang mukha.

Last night, naabutan ko pa si Zain sa kuwarto pagbalik ko. Nagkaroon pa kami ng girl talk bago matulog dahil nangungulit siyang magkuwento ako kung ano daw nangyari sa'min ni Xavier.

Pero wala namang nangyari sa'min! We didn't even kissed! Wait, it sounds like I'm so disappointed but, I'm not okay?! Bakit naman ako madi-disappoint?! 'Di ba?!

But still, dahil ayaw talaga paawat ni Zain, sinabi ko sa kanya ung mga nangyari kagabi. Kaya ngayon, ayan at nang-aasar siya. Mas tandang-tanda niya pa nga ung mga sinabi ni Xavier sa'kin kahapon eh! Of course, for the purpose of annoying me.

And oh, by the way, dito siya natulog sa kuwarto. Pagkatapos naming magkuwentuhan, inantok na kami agad parehas kaya nakatulog diretso. Actually, it felt like we had a sleep over. Matagal-tagal na rin naming hindi 'yon nagagawa so, last night was so nostalgic.

"Ano? Nagising ka na ba sa sweet dreams mo, Miss na pagmamay-ari ni Xavier Montevilla pero kiniss lang sa noo kagabi?"

"Stop it, Barteloin. Umagang-umaga you're making me wanna roll my eyes."

"O siya, siya, mahal na prinsesa mag-ayos na po kayo at pinadalhan na po kayo ng prinsipe ng mga damit na maisusuot niyo."

Nangunot ang noo ko. "Are you serious, Zain? You mean nagpadala si Xavier ng mga damit na maisusuot ko?"

"Inulit mo lang, bes. Oo nga, inutusan niya ung body guard mo saka si Celeste na ipasok sa kabinet ung mga damit." she answered then, gestured the cabinet at the side.

"Sige na, punta na 'ko sa kuwarto para maligo. Baka nandyan na naman si Heneral Goryo hindi pa 'ko fresh."

Tumango ako sa kanya then, she exited my room. Nagawi ang tingin ko sa cabinet at agad tumayo nang kama upang lapitan ito at buksan.

When I opened it, my lips automatically curved with happiness as I saw a lot of dresses inside! Nakikilala ko pa na ang ilan sa mga iyon ay nakita ko sa shop ni Aunt Leticia! 'Yung mga imported daw sa Earth!

Pero hindi lang dresses! May shoes, boots, accessories, sling bags, at may skin care products din and make-ups! Oh, wait, pati undies meron! Kumpleto talaga!

Tiningnan ko isa-isa ang mga damit at nakita ko doon ung asul na bestidang dapat isusukat ko sa comfort room kaya nga lang kinidnap ako ng UrsaMinor. I decided to wear it today with a white shoes with heels.

Planet AcelatoriaWhere stories live. Discover now