XXXV

3.4K 29 2
                                    

*Gab's POV*

Tang tapos na kaming mag make love ni Andrea ay hinila na nya ko palayo sa kama upang kumain na ng breakfast na inihanda nya.

"Hon let's go? Malelate kana sa work" anyaya nya sa'kin.

Hinila ko naman sya pabalik sa kama at pinisil ang palad nya habang nakatitig sa kanya. Nakita ko naman na nagpakawala sya ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Hay nako don't tell me gusto mo pa ng round two?" Mapanuksong tanong nya.

Kinindatan ko naman sya at nagpakawala rin ng nakakalokong ngiti.

"Aba kung pwede sa magandang binibini sa harapan ko ngayon e hindi ako tatanggi"

Tumawa naman sya ng malakas. Umupo ako sa gilid ng kama kung saan sya nakaupo.

"No hon, I'm not going to work" sabi ko sa kanya

Napakunoot naman ang kilay nya at sabay na tanong kung bakit.

"May sakit ka ba?"

"Hindi hon, wala akong sakit. Magaling na magaling nga ako e. May sorpresa ako sayo na ikatutuwa mo"

Nakita ko naman na sumilad ang ngiti sa kanyang mapupulang labi.

"Kasama ba si Lauren sa sorpresang yan?"

"Oo naman hon. Just wait and see" at hinalikan ko sya sa labi bago ko sya niyayang kumain na ng agahan.

*Brigette's POV*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa side table ko. Mapungay pa ang aking mga mata nang tignan ko kung anong oras na.

7:30a.m

Ang aga ko naman yatang dapat magising? Babalik na naman sana ang mga mata ko sa aking panaginip nang naisip kong may kailangan pala akong i-meet na client.

Agad-agad akong tumayo sa kama at tuloy tuloy sa walking closet ko para mamili ng damit na isusuot ko sa meeting today. 8:30 ang meeting at heto ako at nagkukumahog na sa pagkilos because I know I might be late! Nakakahiya naman kung grand entrance ako sa venue e ako pa naman ang mag aayos at mag paplano sa kasal ng kleyente namin ni Cleo. Si Cleo ang business partner ko sa wedding event na gagawin at paplanuhin namin today.

Nang matapos na kong maligo ay kaagad ko ng pinaandar ang sasakyan ko para puntahan ang lugar. Sa kotse na ko nagsuklay at nag make-up, hindi ko nga alam kung pantay ba yung blush on na nilagay ko sa magkabilang pisngi ko. Hay bahala na, idadaan ko nalang sa aking pulang pulang lipstick.

15minutes lang narating ko na ang lugar. "Posh Wedding" ang pangalan ng building. Hindi na ko nagdalawang isip pa na pumasok sa loob ng building. Nang makarating ako sa lobby ay kaagad kong kinausap ang babae sa front desk.

"Good morning ma'am" bati nya sa'kin.

"Good morning. I'm Brigette Han, business partner of Miss Cleo Choi under Wedding Desires Inc. may I know our room where I'll meet my clients for today?" Tuloy tuloy na sabi ko.

"Let me check ma'am" sabi pa nya at nag browse sya sa computer nya nang matapos nyang i-type ang pangalan ng aming shop.

"Ma'am your meeting with couture 101 and wedding details is on the 7th floor, room 312" sabi nya.

Napakunot ang noo ko. Wedding details? Parang wala naman nabanggit na ganun sa'kin si Cleo.

"Wedding details? You must be mistaken miss. I know the only shop that I'll be meeting again is the couture 101 and that's our partner for the upcoming wedding that we'll be handling" pagpapaliwanag ko.

"Maybe Miss Cleo forgot to tell you ma'am. She called the office late 7am this morning and she included Wedding Details as one of your partners"

Hay nako Cleo! Ano pa nga ba? Alangan naman gawin kong career ang pakikipagtalo sa matabang to? Kaya naman nag smile nalang ako sa kanya at tuloy tuloy ko ng tinungo ang elevator.

Nang marating ko na ang 7th floor ay kaagad kong nakita ang pangalan ni Cleo sa pintuan ng room at ang pangalan ng bussiness namin. Dahan dahan kong pinihit ang door knob, baka kasi naghihintay na sa loob ang kleyente namin. Nang mapagmasdan ko na ang loob ng kwarto ay napasabi ako ng congratulations sa sarili ko dahil ako ang early bird.

Filipino time talaga kahit kailan! Pero okay na rin yun, dahil may oras ako para itanong kay Cleo kung sino ang nag mamayari ng wedding details na yun.

I fish my phone in my bag and dialled Cleo's number. Walang tigil sa pag ring ang kabilang linya, naupo ako sa puting sofa nang marinig ko na ang boses ng tinatawagan ko.

"Sis! Why didn't you tell me? May bago tayong ka partner?" I asked.

"Nako sis pasensya kana, I'm trying to call you kanina e pero di kita macontact kaya yung posh wedding na kaagad ang tinawagan ko" pag papaliwanag nya.

"By the way sis, may pinadala akong envelope dyan, check mo nalang ang clients natin ha? Baka pupunta na rin maya maya yung sa wedding details" dugtong pa nya.

I said okay and ended the call.

Kaagad ko naman nakita ang envelope na sinasabi ni Cleo kaya kaagad ko itong kinuha. Nang akmang bubuksan ko na, ay narinig kong may kumatok sa pintuan at dali dali naman akong tumayo sa kinauupuan ko para tignan kung sino ito nang hindi namamalayan na nabitawan ko na sa sahig ang envelope.

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now