xii

4.8K 45 1
                                    

*Sandy's POV*

Dahil sa inis na narinig ko sa usapan nila kanina sa dinner meeting na yun, ay kaagad na kong umuwi sa bahay ko.

Maya maya pa, naramdaman kong nag vavibrate ang phone ko.

So it's Gab again -_-

Bakit naman sya tumatawag?! Para pagalitan ako?! Para pag sabihan ako na wag ko syang sundan?!

Eh sya nga tong di tumutupad sa usapan e!

Kahit imbyerna ako, sinagot ko pa rin ang phone.

"Sandy talaga bang nananadya ka?!" iritang tanong ni Gab sa'kin.

"Nananadya?! Excuse me Gab ha, for your information di ko alam na nandun din kayo sa resto na yun para mag meeting!" of course I'm lying -_-

"Tsaka isa pa, nabili mo ba yung resto na yun para mairita ka ng ganyan sa'kin ha?! Di ka talaga nag iisip kahit kailan!"

"Ok fine. Sandy calm down"

Mahinahon na ang boses nya this time.

Nakukuha pala sya sa sindakan? Ang galing ko HAHAHA! XD

"Kung wala ka ng sasabihin pa pwede mo ng ibaba kasi sinasayang mo ang oras ko" sabi ko sa kanya.

Bigla akong may narinig na boses mula sa kabilang linya.

At alam ko kung kanino ang boses na yun.

Kay Andrea.

So magkasama pala sila ngayong gabi?

Akala ko ba AKO ang gusto nyang makasama tonight?

Okay, as always, option ako lage.. Last choice. Wala naman akong magagawa, sya ang girlfriend e. And soon to be his wife.

Naramdaman kong biglang nangilid ang luha ko.

"Hon matagal kapa ba dyan? Halika na dito higa na tayo" sabi ng boses na narinig ko. Si Andrea.

"Wait lang hon tatapusin ko lang ang pag shave sa balbas ko" - Gab

So nasa c.r pala sya habang kinakausap ako? Nice huh-_-

Parang may sariling isip ang daliri ko at bigla nitong pinindot ang end button.

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now