vii

5.6K 65 4
                                    

*Khalel's POV*

Sinusubukan kong matulog pero di ako makatulog.

Parang may humahunting sa isipan ko.

So I dialled Brigette's number.

(Sup?!)

"Tulog ka na ba?"

(Hindi pa kapatid.. Why?)

"Di kasi ako makatulog, tara bar? Inom lang tayo ng konti"

(Okay then! Tawagan ko si Gab ha para marami tayo)

"Wag na"

(At bakit hindi?! C'mon Khalel past is past! Panahon na rin para magkita kayo ni Andrea)

"Nakita ko na sya kanina"

(I know.. Pero isasama ko pa rin sila.. Wag kang matense! Para namang hindi ka Han nyan haha!)

"Bahala ka, sige magbibihis na ko, tawagan nalang kita pag papunta na ko sa condo mo"

(Sure my lil bro)

And she ended the call.

Bakit naman kasi kailangan pang kasama sina Gab at Andrea?

Lalo akong maguguluhan nyan pag nakita ko sila e.

Well, sa'min ni Gab hindi na awkward, pero alam ko magiging awkward pa rin ang sitwasyon sa pagitan namin ni Andrea. Lalo akong maguguilty lalo na at alam kong hindi alam ni Gab ang past namin ni Andrea.

Hay bahala na.

*Sandy's POV*

Pagkadating ko sa bahay, kaagad akong humiga sa kama ko,

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko at doon ay umiyak ng umiyak.

Doble doble na ang sakit na dulot sa'kin ng gabing ito.

Pero bakit ba ko iyak ng iyak?

May nawala ba sa'kin?

Wala naman diba?

Si Khalel ay bahagi na ng nakaraan ko.

Si Gab naman ay hindi naging bahagi ng buhay kailan man.

Pero itanggi ko man sa sarili ko, pareho ko silang minahal.

The Bachelor's Other WomanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant