XXXVI

3.8K 43 13
                                    

A/N: Thank you for reading my story na appreciate ko talaga :) though di tayo umabot dun sa votes okay lang.. here's another UD! :) btw, maybe mga 3-5 chapters nalang po at tatapusin ko na ang story na to. May isusulat kasi akong bago at sana suportahan nyo rin. Thank you! :)

*Brigette's POV*

Iyak pa rin ng iyak si Lauren sa sasakyan ng makaalis kami sa bahay ni Gab.

"Take me back to my dad and mom! Take me back!!!!!"

Pinadyak padyak pa nya ang kanyang mga paa para ipakita ang pag poprotesta nya. Di ko naman sya pinansin at tuluyan ng nag drive hanggang sa marating namin ang bahay namin.

"Let's go" yaya ko sa kanya.

Umiling lang naman sya at wala yata syang balak bumaba.

"I said let's go" madiin kong sabi.

"No!!!!"

Wala naman syang nagawa dahil binuhat ko sya papunta sa loob ng bahay. Nag umpisa nanaman syang umiyak.

"Khalel!"

Sakto naman na pababa ng hagdan si Khalel ng makita nya kami na nasa sala.

"Sino yang kasama mong bata?" Takang tanong nya?

Tumiman ako sa kanya bago nag salita.

"Sino pa nga ba? Ang matagal mo ng hinihintay"

Di naman makapaniwala si Khalel sa sinabi ko. Kaagad nyang nilapitan si Lauren at niyakap ito ng mahigpit. Pilit namang inaalis ni Lauren ang mga kamay na nakayakap sa kanya.

"I don't know you! My mom said that I won't talk and go with strangers! Please take me back to my dad!"

Lumuhod naman si Khalel sa harapan nya para magtama ang kanilang mga mata.

"I am your dad"

"You're not my dad! Daddy Gab is my only dad! Not you!"

Tinignan ko naman si Lauren bago nagsalita.

"You may not understand now, but soon you will understand. But for now you need to stay with us because you're mom is away and you're daddy Gabriel needs time to think"

"No! I don't believe you! You're a liar!"

Hinawakan naman sya ni Khalel.

"I am your dad! I'm your dad!!!"

"NOooooooooo!!!!!"

Muli nanamang umiyak si Lauren.

"Khalel, hayaan mo muna sya. Hindi ka nya paniniwalaan sa sinasabi mo. Let her rest muna"

"But ate? Kailangan nyang malaman at tanggapin ang totoo na ako ang ama nya!" Inis na sabi ni Khalel.

"Alam ko. Naiintindihan kita. Pero sana intindihin mo rin si Lauren. She's only five. Alam mo naman na para sa kanya hindi pa nya alam kung anong nangyayari"

"Pero ate hanggang kelan to? Limang taon akong nangulila sa kanya"

"Khalel, pakinggan mo ko sa sinasabi ko. Soon enough, ikaw rin ang kikilalanin nyang tatay. Madali naman makalimot ang mga bata"

Kinarga ko ang umiiyak na si Lauren at dinala ko sya sa kwarto ko para makapag pahinga na rin.

*Sandy's POV*

Nung nakita kong okay na ang sugat ni Gabby ay nagyaya na kong kumain sa kanila.

"Let's eat? Buffet lunch nanaman tayo for sure tataba talaga tayo kung dito tayo mag stay pa" biro ko sa kanila.

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now