xxvii

3.9K 38 3
                                    

*Sandy's POV*

Nakalapag na ang eroplano na sinasakyan ko pauwing Pilipinas.

Nag desisyon ako na si Gab ang unang makakaalam sa lagay ko at ng magiging anak namin kaya naman kaagad akong nagtungo sa clinic nya.

Ng marating ko na iyon ay wala ang sekretarya nya.

Tinignan ko ang relo ko at nakita kong alas dose na pala. Siguro nag lunch break ang mga ito.

Dahil sa alam kong sa office lang nag lalunch si Gab kaya naman tuloy tuloy na kong tumungo doon.

Nakita kong bahagyang nakabukas ang pintuan ng kanyang office kaya naman sumilip muna ako.

At sa laking gulat ko, kasama ni Gab si Andrea sa loob kaya naman hindi na ko tumuloy pa.

Pinakinggan ko nalang muna ang pinag uusapan nila.

Inilapit ko ang kanang tenga ko sa pintuan at laking gulat ko na lamang sa bawat katagang narinig ko.

"Gab, I'm pregnant and you're the father of our baby"

"Whaaat?"

"Aren't you happy? I'm pregnant! Magiging daddy kana" 

"Andrea, hindi mo alam kung pano mo ko napasaya"

"Let's move on Gab. Ituloy natin ang kasal at mamuhay tayo ng masaya kasama ang magiging anak natin ha?"

"Yes"

Unti-unting nanlambot ang buong katawan ko sa narinig ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya naman napahawak ang kamay ko sa bibig ko.

The Bachelor's Other WomanUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum