xxxv

4.4K 42 7
                                    

A/N: hi! Nakaka dalawang UD na ko today, sana naman mag vote at comments kayo para ganahan naman si author huhu :( I want to have 15 votes so that I can post the next chapter. Ok ba na paminsan minsan mag demand naman ako? Hehe.. 15 votes plith? :3 thanks! Here's another UD enjoy! :)

*Sandy's POV*

Magmula nung pagkalabas namin sa building ay hindi na ako kinausap ni Chun. Alam kong may nararamdaman nanaman sya sa puso nya. Kilala ko na kasi sya, alam ko pag sobra syang tahimik ay nasaktan ko nanaman ang kanyang damdamin. Kinuha ko ang palad nya at pinisil ito. Humarap naman sya saglit sa'kin at tumiman.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang naman sya at tumingin muli sa bintana ng taxi. Hindi ko na sya kinausap pang muli kaya naman binaling ko na lamang ang atensyon ko kay Gabby na nakatulog na.

Nang marating namin ang hotel ay kaagad na kaming pumasok sa kwarto samantalang si Gabby naman ay nakiusap kung pwede syang maglaro sa kiddie place ng hotel. Hindi naman ako nag alinlangan na payagan sya dahil alam kong safe naman at isa pa, may mga nagbabantay naman sa kanila sa kiddie room kaya panatag ang loob ko.

Unang pumasok si Chun sa kwarto na mabilis ko namang sinundan.

"What's wrong?" Tanong ko ulit sa kanya.

Hinarapan nya ko bago nagsalita.

"What was that?"

"What?" Takang tanong ko.

"You and Gab? At the hallway of the 7th floor?"

Nagpakawala naman ako ng ngiti sa aking mga labi hanggang sa maging tawa na ito.

"Why are you laughing at me?"

"Because you're jealous! Hahaha!"

"I'm not jealous!"

"Then, why are you reacting that way?"

"Because..."

"Because?" Ulit ko.

"Did you know that he is your client?" Pag iiba nya ng tanong.

Umupo ako sa gilid ng kama.

"No. I didn't know. At isa pa, kung alam ko bang sya ang magiging client ko papayag ba ko? Of course not!"

"Eh ano yung sinasabi mo kanina na hindi na tuloy ang kasal? What? because he saw you?"

Ngumiti ako bago nagsalita.

"No. Gab found out the truth"

"Truth about what?"

"About him and Andrea. Hindi daw anak ni Gab yung pinaakong bata ni Andrea sa kanya sa loob ng limang taon"

"What?!"

"You heared me right"

"At sino ang ama?"

"My ex. Khalel"

"This is crazy!"

"I know!"

"Anong balak mo nyan?"

Naguluhan naman ako sa tanong ni Chun.

"Balak?"

"About you and Gab. Hindi na tuloy ang kasal nila diba? So, change of plans ba? I mean sasabihin mo na ba sa kanya ang totoo na si Gabby ang anak nya?"

Lumapit ako malapit sa kinauupuan ni Chun.

"What if, sinabi kong oo?"

"Alam mo naman ang sagot dun Sandy e. Alam mo naman na mahal kita diba? Ayokong mangyari yun, pero kung yun yung gusto mong gawin, wala naman akong magagawa. At isa pa, si Gab naman talaga ang ama ni Gabby"

The Bachelor's Other WomanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora