xvi

4K 44 1
                                    

*Sandy's POV*

Hay nako etong si Ysabel talaga kahit kailan walang nadulot na maganda yung mga sorpresa nya sa'kin.

Lumilipad pa rin ang isipan ko habang nasa sasakyan kami papunta dun sa resto para mag dinner.

Iniisip ko kung pano kaya kung makita ko dito si Gab? Posible kaya yun?

"Hoy! Kanina pa kita kinakausap sana kase sumasagot ka diba?"

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Ysabel dahil nakakita ako ng mga naglalakad na doctor para kumuha ng taxi.

Posible kayang kasama si Gab dun?

Humaba haba na yung leeg ko sa kakatingin habang papalayo naman yung sasakyan namin.

"Sino bang tinitignan mo dun?"

"May mga doctor kasi e, mukhang Pilipino"

"Malamang makakakita ka ng doctor kasi dumaan tayo sa tapat ng hospital"

"Dumaan tayo?" takang tanong ko.

"Oo! Di mo ba nabasa?"

Umiling ako.

"Basa basa din kasi te pag may time ha?"

Sira ulo talaga tong si Ysabel.

"Tsaka teka nga, first time mo makakita ng doctor? Kung makareact at umispat ka para naman walang doctor sa Pinas"

Di ko pinansin ang sinabi nya. Iniisip ko pa rin kung nandun si Gab sa grupong yun.

"At isa pa te, hindi Pinoy ang mga yun. Wag mag ilusyon baka mauwi sa depresyon yan hahaha"

"Sira ka"

Nakitawa nalang ako sa kanya.

Umayos ako ng upo sa kotse at tsaka nalang naglaro ng candy crush sa phone ko habang nasa byahe pa kami.

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now