XXXVII

3.4K 34 2
                                    

A/N: Hello! Sorry kung di ako nakapag update kahapon, busy ang peg hehe. Anyway, I revised the previous chapter, may dinagdag po akong POV ni Sandy. Basahin nyo nalang ulit hehe. So here's another UD. Enjoy! ♡

*Brigette's POV*

Naglakad ako pabalik balik sa sala at iniisip pa rin kung bakit kaya ayaw makipagkita sa akin ni Sandy at kung totoo nga ang narinig ko na may anak na sya. Pano nangyari yun? Ang alam ko hindi naman sya buntis noong nasa Pilipinas na sya. Posible kayang nabuntis sya nung lalakeng kasama nya kanina?

"You looked so worried ate. May problema ba?" Tanong ni Khalel.

Di ko namalayan na nakababa na pala sya sa sala at nakita nya ko na palakad lakad.

"Ah, wala naman. May iniisip lang ako. Nakatulog na ba si Lauren?"

Napasimangot at huminga ng malalim si Khalel sa tanong ko at saka sya umupo sa sofa. Umupo naman ako sa isang sofa sa harapan nya.

"Hindi ko alam kung kailan ko makukumbinsi si Lauren ate. Kasalanan lahat ni Andrea ito. Kung hindi nya tinago si Lauren sa akin ay siguro masayang masaya tayo ngayon"

"Don't worry Khalel, hindi na nya makukuha si Lauren sayo. At sigurado naman ako na hindi na aapela pa si Gab"

"Pupuntahan ko si Andrea ate. Sisingilin ko sya sa lahat ng ginawa nyang ito"

"Hayaan mo ng ang batas ang maningil sa kanya"

"Hinde, kailangan ko pa rin syang makausap. Pupuntahan ko sya ngayon"

Tumango lang naman ako sa sinabi ni Khalel at hinayaan nalang sya sa gusto nyang mangyari. Alam ko naman na hindi makakalaban si Andrea dahil hawak na sya ng mga pulis.

"Teka, maiba ako ate, anong iniisip mo nga pala? Bakit parang malalim yata yang problema mo?" Tanong nya sa'kin.

"Nako hindi. Tinawagan ko kasi si Sandy dapat magkikita kami ngayon. Wala naman ibang dahilan, gusto ko lang syang kumustahin"

"Oh ano daw? Magkikita kayo?"

"Nagka emergency daw sya. Ngunit ang hindi ko maintindihan,  e sinabi nya na may anak na sya"

"Ano?! Si Sandy?! May anak na?!"

"Ano ka ba hinaan mo nga yang boses mo. Oo yun yung sabi nya kanina sa'kin. Posible kayang yung kasama nya kanina e yun yung tatay ng anak nya?"

"Ate, hindi naman maaalis kay Sandy na umibig sya ulit pagkatapos ng sa amin. Tsaka kung yun nga yung ama ng anak nya at masaya sila ngayon. Masaya na rin ako para sa kanya"

"Awww.. Napaka selfless naman ng linya mo kapatid. Pero hindi e, nararamdaman ko na parang may iba"

"Ate hayaan mo na si Sandy. Maging masaya nalang tayo para sa kanya"

Tumango lang naman ako sa kanya na kunwari ay kumbinsido ako sa sinabi nya.

"Aalis muna ako. Pupuntahan ko si Andrea"

"Khalel, wag mo ng saktan si Andrea. Kausapin mo nalang sya"

"Wag kang mag alala ate, pinatay at nilibing ko na sya sa isip ko"

"Sige mag ingat ka"

At tuluyan na syang lumabas upang pumunta sa garahe upang kunin ang sasakyan nya.

Narinig ko naman na umugong na ang sasakyan nya at ilang sandali pa ay naka alis na sya.

Kinuha ko ang phone ko and I dialled Gab's number.

"Hello Gab nasan ka?"

"I'm not in the mood to meet someone Brigette" malamig na sabi ng nasa kabilang linya.

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now