xviii

5K 50 0
                                    

*Sandy's POV*

Ng gabing iyon tinawagan ko na lamang si Ysabel para sunduin ako sa hotel kung nasaan kami ni Gab.

Agad agad naman nagpunta si Ysabel sa room namin ni Gab kasama si Dr. Lee.

"Te! Are you okay? Is she ok Gab?" worried na tanong sa'kin ng bff ko.

"Gab what's happening here?" naguguluhang tanong naman ni Dr. Lee

Pareho naman kaming di umiimik ni Gab.

Iniiwasan namin pareho ang tingin ng bawat isa.

"Ysabel umuwi na muna tayo sa hotel. I'm tired. Really tired"

Niyakap naman ako ni Ysabel palabas ng pintuan pagkatapos nyang mag kiss kay Dr. Lee.

Tahimik pa rin ako habang nasa sasakyan kami.

"Gusto mo bang ikwento ang sa'kin ang nangyari o gusto mo nalang munanh magpahinga?"

Di pa rin ako kumikibo. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Gab sa'kin na mahal din nya ako.

Ngunit tulad ng pagkaduwag ni Khalel, isa ring duwag si Gab na hindi nya maipaglaban ang nararamdaman nya para sa'kin.

He's becoming unfair not only to me but to Andrea.

Dumating kami sa hotel na tulala pa rin ako.

"Oh mag tea ka muna para kumalma ka"

Ininom ko naman ang bigay na tea sa'kin ni Andrea.

"Ready kana bang mag kwento?"

Tumango lang ako sabay sabi

"Mahal din daw nya ko"

"Whaaattt??!!! All this time nagtataguan kayo ng feelings?!"

Di na ako kumibo. Oo inamin na namin sa isa't isa ang tunay na nararamdaman namin but I think it's too late for him to stand on his decisions kasi mas pinili nya ang magiging responsibilidad nya kay Andrea.

"Teka nga bruhilda ka, kung mahal nyo talaga ang isa't isa e bakit lungkot lungkutan ang peg mo dyan?"

"Kase hindi nya kayang iwan si Andrea, kasi duwag din sya tulad ni Khalel na hindi kayang manindigan sa nararamdaman nila para sa isang tao"

Nagsimula nanaman akong umiyak. Naramdaman ko ang pagkatalo sa parte ko. Alam ko naman simula palang nung unang sumugal ako kay Gab talo na ko pero pinaglaban ko, sinubukan ko dahil mahal ko sya. Ganito pala kasakit ang pakiramdam kapag alam mong wala ng patutunguhan pa.

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon