xiii

4.8K 44 3
                                    

*Gab's POV*

Mahigit isang linggo na kaming di nag kikita at nag uusap ni Sandy mula nung nakita ko sya sa resto.

Ngayon kami aalis ni Dr. Lee at ilang mga doctor para sa conference namin sa Singapore.

"Hon tawagan mo ko lagi ha?" sabi ni Andrea sa'kin.

Sumama kasi sya sa airport para ihatid ako.

"Oo naman hon.. Be a good girl okay?"

"Oo naman! Ikaw ha wag ka mambabae dun" at nag pout pa sya.

"Ano kaba naman hon isang linggo lang naman kami dun"

"Promise yan ha.. Mamimiss kita"

"I'll miss you too honey. Pagbalik ko tutulungan kita sa wedding preparation natin"

"Sure hon"

At hinalikan ko na sya sa labi.

"Dr. Kyo aalis naba tayo?" tanong sa'kin ni Dr. Lee habang naka ngiti.

Nakita kasi nya kami ni Andrea na nag hahalikan.

Tinawanan naman namin sya ni Andrea.

"Let's go Dr. Lee baka di na ko mapakawalan ni Andrea" at tumawa ako ng bahagya. Kinurot naman ako ni Andrea sa bewang.

"Ok let's go"

At tuluyan na kaming nag paalam ni Andrea sa isa't isa.

*Sandy's POV*

Maaga akong nagising dahil sa pagtawag ni Ysabel sa'kin sa phone.

"Bessy anong oras ang flight mo today?"

Flight agad agad? Di man lang ako binati ng good morning? Bait talaga ng bff ko na to.

"Mamaya pa.. Ang aga pa kaya"

"Ok text me nalang bye"

And she ended the call.

Infairness alarm clock ang peg nya ha.

Tinignan ko ang clock sa side table ko at napansin kong maaga pa naman kaya bumalik muna ko sa pag tulog.

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now