xxxiv

3.4K 46 5
                                    

*Brigette's POV*

Tuloy tuloy lang akong nagmaneho habang ang kasama ko namang bata ay wala pa rin tigil sa pag iyak.

"I want my mommy back! Bring back my mommy! You're bad!"

Hindi ko naman sya pinapansin dahil baka pag pinansin ko sya ay baka mawala pa ang focus ko sa pagmamaneho. Hinayaan ko lang sya sa pag iyak nya hanggang sa napagod sya at nakatulog na sumisinok.

"Titigil ka rin pala eh" sabi ko sa kanya habang sya ay pikit matang tulog.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang bahay ni Gab.

*Gab's POV*

Ninais kong umuwi sa bahay at iwan muna si Lauren. Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga nalaman ko. Napakasakit. Napakasakit na mapagtanto na nagpaloko ako sa isang babaeng ninais kong pakasalan at lalong napakasakit na makita muli ang babaeng mahal na mahal ko na masaya na sa piling ng iba.

Teka, ibig sabihin ang kasama kanina ni Sandy ay asawa nya at ang anak nya?! May anak na rin sya?

Lalong nanikip ang dibdib ko sa naisip kong nangyari sa kanya. Hindi ko pa rin maitanggi ang katotohanan kung gaano kabilis tumibok ang puso ng mga sandaling nasilayan ko sya. At lalong tumibok ito ng mabilis na parang dinudurog ng makita ko syang may kasamang iba.

Hindi ko mapigilan ang mga mata ko sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ano ang iniiyakan ko pero alam kong masakit. Masakit na masakit.

Sinuntok ko ang kanang kamao ko sa pader at umiyak ng umiyak na parang bata hanggang sa mapaluhod na ko sa sahig.

I lost the woman I love for the second time. And this time, I know that she will not be back again because she's happy with someone else. With her new family.

Ayaw pa rin tumigil ng mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Naglakad ako papunta sa walking closet kung nasaan ang vault ko, at binuksan ito. Muli, para nanaman akong sinaksak ng ilang libong beses dahil nakita ko ang mga larawan namin ni Sandy. Ang masayang alaala namin nung kaming dalawa ay magkasama sa Singapore. Ang isang linggong walang pagsidlan sa saya. Ang isang linggong malaya sa mundo, malayang magmahalan. Malaya sa lahat.

Napatiim bagang nalang ako habang patuloy itong pinag mamasdan.

"Sandy, hindi mo lang alam kung gaano kita minahal" mapait kong sambit.

Pinagmamasdan ko pa ang mga larawan ng may marinig akong bumusina. Is that Andrea? Ah! Kung sya nga ito ay baka hindi ko alam ang iaasal ko pag pinuntahan nya ko sa kwarto. Baka makalimutan kong babae sya. Nanlisik ang mga mata ko sa galit.

Sinoli ko ang mga larawan sa vault at pumunta sa gawi kung saan malapit ang malawak na bintana kung saan ko makikita ang sasakyang bumusina. Laking gulat ko nalang ng makita kong sasakyan ni Brigette.

What is she doing here?

Hinayaan ko syang bumaba sa kotse at nakita kong kasama nya si Lauren at akmang papasok sa bahay. Ilang sandali pa ay narinig ko ng kumatok sa aking pintuan ang isa sa aming kasambahay.

"Sir, may bisita po kayo" sabi nya.

"Sige manang ako ng bahala"

Hindi na ito sumagot at narinig ko na lamang ang mga hakbang palayo sa aking kwarto.

Nang buksan ko na ang pintuan ay nakita kong papalapit si Lauren.

"Daddy!!!!!!"

Nagsimula nanaman itong umiyak at yumakap sa aking binti.

Tiniis ko namang hindi ko sya amuhin o kausapin hanggang sa nakita ko si Brigette na sumunod malapit sa aking kwarto.

"Bakit mo pa to inuwi dito? Diba dapat sa bahay nyo dun sya umuwi?" Malamig kong sambit.

"Daddy I want my mommy back, I want my mommy back" pagmamakaawa ni Lauren.

"That woman let my mom go with the police!" At saka pa nya tinuro si Brigette.

"What?!" Bulalas ko.

"Because she deserves it!" Sagot naman ni Brigette.

"Why did you do that?" Iritang tanong ko.

"Why not?"

"Di ka man lang nagkonsulta sa'kin?"

"Ano pa bang ikokonsulta ko sayo Gab? Malinaw pa sa sikat ng araw na niloko ka nya!"

"It's not about that, thank you for the concern Brigette but I think it's too much"

"Too much? Baka too much na niloko ka nya pwede pa----

"Tama na!" Pagputol ko.

"Alam ko tanga ako! Gago ako! Niloko ako! Wag mo ng pagdikdikan at ulit ulitin pa! Pero ako pa rin dapat ang masunod dahil problema ng pamilya ko ang usapan dito! At ikaw, nakikisawsaw ka lang sa buhay ng kapatid mo!"

She slapped me at my right face.

"Dahan dahan ka sa pananalita mo Gabriel! Oo baka isa nga akong atribida sa teleserye nyo ni Andrea at isa akong dakilang stage sister sa kapatid ko, pero sana bago mo ko pag taasan ng boses ay alam mo na hindi ko to ginawa para lang kay Khalel kundi para rin sayo! Ngayon kung kalabisan na pala ito para sayo, pasensya na"

"Brigette maawa ka sa'kin. Gulong gulo ako. Iwan mo muna ako. Iwan nyo muna akong lahat!"

"Paano si Lauren?"

Tinignan ko si Lauren na nakayakap pa rin sa mga binti ko habang patuloy pa rin sa pag iyak.

"Daddy I want my mommy back.. I want her so bad"

"You go with your Tita Brigette" malamig kong tugon.

"No!!!!"

Lumuhod ako sa harapan nya para kausapin sya.

"Lauren, you go with your tita Brigette"

"No daddy, I don't want to go with her. I want you and mom!"

"Don't you understand it?! I don't want you here because I am not your dad!" At saka ko sya hinawakan sa kanyang magkabilang balikat.

"Why are you so rude! I know you are my dad!"

"I am not your dad! You have another dad! I don't want you here and I don't need you!"

At saka ko sya binitawan at tumalikod sa kanya. Naramdaman ko namang kinuha sya ni Brigette.

"Sige na Brigette, isama mo na muna sya"

"Let's go Lauren" pag amo naman ni Brigette sa bata.

"No!!!!!! Daddy!!!! Daddy!!!!!!!!!!!"

Hindi ko na pinansin pa ang mga tawag ni Lauren sa akin dahil baka magbago pa ang isip ko. Hindi ko naman ginusto na tratuhin ko ng ganun ang bata ngunit hindi ko maitanggi na habang nakikita ko sya ay lalo lamang sumasakit ang loob ko. Minahal ko sya bilang isang tunay na anak ko mula palang ng sya ay nasa sinapupunan ni Andrea. Mahal na mahal ko si Lauren. Pero hindi ito ang tamang panahon para ipakita iyon sa kanya.

Ilang sandali pa ay narinig kong umandar na ang sasakyan ni Brigette at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa aking mata.

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now