Prologue

11.5K 143 19
                                    

"Gab, I'm pregnant and you're the father of our baby"

"Whaaat?"

"Aren't you happy? I'm pregnant! Magiging daddy kana" 

"Andrea, hindi mo alam kung pano mo ko napasaya"

"Let's move on Gab. Ituloy natin ang kasal at mamuhay tayo ng masaya kasama ang magiging anak natin ha?"

"Yes"

Unti-unting nanlambot ang buong katawan ko sa narinig ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya naman napahawak ang kamay ko sa bibig ko.

Buntis si Andrea? itutuloy nila ang kasal?

Paano na kami ng magiging anak ko?

Akala ko bang mahal ako ni Gab?

Ang mga tanong na ito ang patuloy na umiikot sa aking isipan habang tuloy tuloy ang di ko namamalayan na pag agos ng luha ko.

Napakasakit.

Umuwi ako dito sa bansa para sabihin ang magandang balita kay Gab at para sorpresahin sya ngunit ako pala ang masosorpresa sa maririnig ko.

Para akong unt-unting pinapatay.

Ang babaeng naging dahilan ng paghihiwalay namin noon ni Khalel ay sya rin ang dahilan ngayon ng hindi namin pagkakatuluyan ni Gab.

Naglakad ako palayo sa clinic ni Gab habang patuloy pa rin sa pagpatak ang aking mga luha.

Ang sakit sakit.

Akala ko paman din matatapos na ang ugnayan namin ni Gab sa kama at magiging isang masayang pamilya na kami ngunit nabigo nanaman ako.

The Bachelor's Other WomanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant