XLII

3.1K 35 1
                                    

*Gab's POV*

Kinagabihan ay humiga ako sa kama at tumitig lamang sa kisame. Inisip ko kung ano pa ba ang pwedeng mangyari pagkatapos ng lahat? May pag-asa pa ba kami ni Sandy? Makukuha ko pa kaya si Lauren? Magbabayad pa ba si Khalel sa ginawa nya kay Andrea? Napahinto ako, naisip ko si Andrea at ang pagmamakaawa nya sa'kin upang tulungan ko sya.

Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ni Khalel. Tama lang na magbayad sya kasama na rin si Brigette dahil nilihim nila ang totoo sa akin ng matagal na panahon. Paano ko sila mapag babayad gayong nasa kanila na ang ebidensya?

I browsed my contacts on my phone hanggang sa makita ko ang contact number ng anak ni Dr. Chavez. Ang sinasabi noon ni Brigette na sinet up ni Andrea para sa DNA ng anak namin. I dialled his phone number. Wala namang anu-ano at kaagad itong sinagot ng sa kabilang linya.

"Sorry to bother you this late. Pwede ba kitang makita? This is Dr. Kyo" pagpapakilala ko.

"Oh ikaw pala yan Gab. Sure! Wala naman akong ginagawa tonight. Meet me at The Lodge"

"Okay bro I'll see you"

And I ended the call. Dali dali akong tumayo at nagpalit ng damit pagkatapos ay tinungo ko na ang lugar kung san kami magkikita.

Nang marating ko na ang lugar ay kaagad ko syang nakita na naghihintay sa akin sa isang VIP table.

"Hey man what's up!" bati nya sa akin at saka pa kami nag akbay.

"I'm fine bro. Ikaw kumusta kana?" bati ko rin sa kanya.

"Pretty good bro. Buti pala nakipag kita ka sa'kin tonight?" tanong nya.

Umupo muna ko sa isang silya bago ko sya sinagot.

"It's about Brigette" sabi ko sa kanya.

Napakunot noo naman ang lalake sa harapan ko.

"What about her?" takang tanong nya.

"I want you to help me" sabi ko.

"Help you? About what?" nagtataka pa rin na tanong nya sa akin.

"Nabanggit ka kasi nya sa akin last time na nagkita kami kasama si Andrea. She told me about your late father's death at ang mga DNA na sinasabi nya na sinet up daw ang dad mo para hindi makuha ang mga totoong resulta. Tama ba ang lahat ng sinabi nya sa'kin?"

Uminom muna sya ng vodka bago sya sumagot sa tanong ko.

"About my dad? Sorry bro pero ayoko ng pag usapan pa yan" pag tanggi nya

"Please I need to know the truth. Nasa kulungan ngayon si Andrea dahil kay Brigette"

"What?! What the hell is she doing there?!" bulalas ng sa harapan ko.

"Dahil sa pag set up daw ni Andrea kay Dr. Chavez"

"You got it all wrong Gab"

"Ha? What do you mean?" tanong ko.

"Me and Brigette dated nung nasa London kami. I was in a vacation that time when I saw her. I don't know if it's an accident or it's for purpose. Then we had this mutual understanding between us. It triggered alot nung nalaman nya na anak ako ni dad. Nabanggit ka nya sa'kin at si Andrea and how that DNA result became fake and also the cause of death of my dad. We went back here to search and to know if may pag set up ngang nangyari. But we found out na wala naman"

"What? Sigurado ka ba sa sinasabi mo? I thought si Andrea ang nag set up kay Dr. Chavez?"

"Is that the story of Brigette? Di ako makapaniwala na pati si daddy e dinamay nya. When we found out that dad died because of heart attack at hindi dahil sinet up sya, hindi makapaniwala si Brigette. She even told me na pag dumating ang time na malaman mo ang totoo ay tetestigo ako laban sa pagkamatay ni dad. I said yes that time because I do love her. But she used me"

"I still don't get it, kung hindi naman pala sya sinet up ni Andrea, bakit mali ang DNA na napunta samin?"

"Nagkabaligtad ang mga result na napunta sa inyo. And too late na nung nalaman namin na hindi pala yun ang para sa anak mo"

Huminga ako ng malalim bago nag salitang muli.

"Ibig sabihin walang kasalanan si Andrea?" paglinaw ko.

"Absolutely none bro! Kaya nga nagtataka ako bakit sya nakakulong ni hindi man ako kinausap ni Brigette about that"

"Nag uusap pa ba kayo?"

Umiling lang naman sya.

"I need your help, alam kong nakaplano ang lahat ng to. Tulungan natin si Andrea na makalabas sa kulungan at si Khalel at Brigette ang dapat na makulong"

"Alam mo na ang tungkol kay Khalel?" tanong nya.

Napakunot noo naman ako sa tanong nya sa'kin.

"What do you mean?"

"That he raped Andrea?"

Napa nganga ako sa sinabi nya sa'kin. Alam din nya ang totoo? Pero paano nya nalaman?

"Brigette showed me the video. Ayaw nyang may makaalam dahil delekado ang lagay ni Khalel pag nagkataon at sabi nya sa akin ay hindi mapapasakanila ang anak ni Khalel pag lumabas ang video"

"What?!!! She showed you the video?!"

"Yes! It's in my flash drive until now"

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko wala na kong ebidensya na gagamitin laban kay Brigette. Meron pa pala.

"Bro, you saved me. Sinira nila ang tanging kopya na meron ako, at ngayong alam ko na meron kang kopya wala na silang takas pa. Tutulungan mo ba ako?"

"That's what med brothers do bro" pag sang ayon nya sa akin.

Tumiman lang naman ako at nagpasalamat sa kanya. Buti nalang naisip kong makipag kita sa kanya.

Konti nalang Andrea, makakalabas ka na sa kulungan at makukuha mo ng muli si Lauren. Humanda kana Brigette, isama mo na rin ang hayop mong kapatid na si Khalel. sabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan ay kaagad akong nagtungo sa school ni Lauren para bisitahin sya. Sakto naman na break time nila kaya nakapag usap pa kami.

"Daddy!!!" Salubong nya sa akin at saka nya ako hinalikan sa pisngi. Hinalikan ko naman sya pabalik.

"Come! Let's meet Gabby" yaya nya sa akin.

Hindi naman ako nag alinlangan na sumunod kay Lauren. Nakita ko si Gabby na kumakain ng cookies at chocolate drink.

"Gabby, do you still remember my dad?" tanong ni Lauren.

"Of course! Hi tito Gab!" bati naman sa'kin ni Gabby. Kinawayan ko lamang sya at saka ngumiti.

Nagliwanag naman ang mga mata nya ng makita nya ang papalapit na tao galing sa likuran ko.

"Mom!!!!" sigaw nya.

Nanlamig ang buong katawan ko at nanlambot ang mga binti ko ng marinig ko ang sigaw ni Gabby. Nandito si Sandy?

Bigla naman tumakbo si Gabby at sinalubong si Sandy.

"Mom there's Lauren oh! With her dad! Come let's meet them!" narinig kong yaya ni Gabby kay Sandy.

"Tito Gab this is my mom!"

Nang hinarap ko sila ay isang gulat na gulat na elspresyon ang nakita ko sa mukha ni Sandy.

"Mom, he's the dad of my girlfriend Lauren" dugtong pa ni Gabby habang si Sandy ay hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Let's go Gabby!" hinila sya ni Sandy palayo.

"But mom! Mom!" pag protesta naman ni Gabby.

Naiwan kaming dalawa ni Lauren sa loob ng classroom.

"Dad? She's upset?" tanong naman ni Lauren sa akin ng maka alis na sila.

"Maybe" sagot ko na lamang kay Lauren.

Nagtataka pa rin ako kung bakit sya kailangan ilayo sa akin ni Sandy? May sikreto ba talaga syang inililihim sa akin? Inilibot ko na lamang ang paningin ko at nakita ko ang sobrang inumin na chocolate drink ni Gabby.

The Bachelor's Other WomanWhere stories live. Discover now